Questions


October 2022 2 2 Report
Piliin ang Titik ng Tamang Sagot
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga layunin ng mga inaasahang kakayahan at kilos? *

A. Motibasyon
B.Gabay
C. Inspirasyon
D. naiaakma ang sarili

2.. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang kabataan sa kanyang pagtamo ng isang bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa kanyang mga kasing edad *

A. Ipakita ang tunay na ikaw
B. Sabihin sa iyong kaibigan ang lahat ng iyong lihim.
C. Iwasan ang pagtitiwala sa iyong kapwa.
D. Mahalin ang kaibigan ng higit sa iyong sarili

3.Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata MALIBAN sa____________ *

A. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad
B. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
C. Pagtamo at pagtanggap ng mayos na ugali sa pakikipagkapwa
D. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad

4.Sa panahon ng maagang pagiging tinedyer inaasahan na ang pagkakaroon ng relasyon sa katapat na kasarian.Ang pangungusap ay: *

A. Tama, dahil mahalagang malaman ng isang tinedyer ang pagbuo ng relasyon sa katapat na kasarian sa maagang panahon
B. Tama, dahil ito ay makakatulong sa kanya upang matutong makipagrelasyon at maging handa sa magiging seryosong relasyon sa hinaharap.
c. Mali, dahil mahalagang malaman muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang tinedyer sa pagpasok sa isang seryosong relasyon.
D. Mali,dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer.

5.Ang mga sumusunod ay pangunahing tungkulin ng isang tinedyer sa kanyang sarili MALIBAN sa: *

A. Pagpapaunlad ng talento ay kakayahan
B. Pagharap at wastong pamamahala sa mga pagbabago sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
C. Paghahanda para sa paghahanap-buhay
D. Makabuluhang paggamit ng hilig

6.Ang mga sumusunod ay mga paraan upang mapamahalaan ang mga pagbabagong pisikal bilang tinedyer MALIBAN sa: *

a.Pagkain ng mga gulay at prutas.
B. Pagiging malinis sa pangangatawan.
C. Paghingi ng gabay sa mga nakakatanda upang malaman ang dapat gagawin.
D. Pagbibigay ng pansin sa mga puna at sinasabi ng kapwa kabataan ukol sa sarili.

7..Sa iyong pakikipag-ugnayan sa iyong kasing edad dapat na __________. *

A. baguhin ang iyong sarili upang maging katanggap-tanggap sa kanila
B. sundin ang lahat ng kanilang kagustuhan upang mapabilang sa samahan
C. patunayan na ikaw ay may kakayahan upang maging lider sa pangkat
D. ipakita sa kanila ang iyong tunay na katauhan at hikayatin silang tanggapin ka bilang ikaw.

8. Mahalaga ang pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal sa pakikipag-kapwa dahil *

a. Bilang tinedyer mahalaga na matanggap ng ibang tao.
B. Kinakailangan na mapabilang sa isang pangkat upang maging lubusan ang kasiyahan.
C. Hindi nabubuhay ang tao para sa kanyang sarili kaya kailangan natin ang iba tao upang makita ang ganda at halaga ng buhay.
D. Mahalaga ang sasabihin ng ibang tao sa ating asal at pag-uugali na makaka-apekto sa ating

9.Ang paggawa ng mga gawaing bahay at pagpapakita ng tunay na damdamin sa paraan ng pag iyak ay nagpapakita na di lamang ito angkop sa mga babae pati rin sa mga lalaki.Ito ay tumutukoy sa : *

a. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.
B. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito.
C. Pagtamo ng bago at pagganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad.
D. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa.

10..Ano ang magiging bunga ng pagiging tapat sa pagtupad sa tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata? *

A. Magkakaroon ng mga kakayahang kailangan upang maging isang huwaran sa kapwa kabataan.
B. Matitiyak ang kaganapan ng pagkatao.
C. Tataglayin ang kakayahan na harapin ang susunod na yugto ng buhay
D. Magkakaroon ng kakayahang mapag tagumpayan ang hamon ng pagiging isang tinedyer.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.