Questions


August 2022 1 0 Report
Nagbago si Lance Si Lance ay nag-iisang anak. Meron siyang ate na pinsan ng kanyang ina. Ito ang nagsisilbing gumagawa ng mga gawaing bahay. Ito naman si Lance laging pinaaalalahanan ng kaniyang ina na tumutulong sa mga gawaing bahay. "Tingnan mo ang mga laruan mo, Lance! Nagkalat na naman. Dapat mong ayusin kaagad ito pagkatapos gamitin hindi iyong saan saan na lang iniiwan, pagpapaalaala ng kaniyang ina. “Nanay naman lagi na lang pinagsasabihan ako, Nandiyan naman si ate Bem Bem para ayusin iyan," sagot ni Lance. “Lance, hindi dapat na laging umaasa sa ate Bem Bem mo. Kailangang matuto kang gawing mag-isa ang mga takdang-gawain na binigay ko sa iyo." saad ng ina ni Lance. “O, sige po, Inay simula ngayon itatago ko kaagad ang mga laruan ko pagkatapos kong gamitin. Tutulungan ko na rin si ate Bem Bem sa mga gawaing bahay. “Okey, aasahan ko iyan! Mula ngayon kailangang tumulong ka na sa mga gawaing bahay at aayusin kaagad ang mga laruan pagkatapos mong maglaro." "Opo, Inay, ipinapangako ko po. Ako po ay humihingi ng paumanhin sa nagdaang araw na hindi ko kaagad ginawa ang tinakdang gawain na dapat kong ginawa.” paniniguro ni Lance sa kaniyang ina. Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang palaging ipinapaalala kay Lance ng nanay niya? 2. Bakit kailangang baguhin ni Lance ang kaniyang nakagawian? 3. Paano magiging "mabuting modelo" ang isang batang tulad mo?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.