Questions


October 2022 1 2 Report
Nag-viral ang larawan ng isang matandang babae na iniwan sa ilalim ng McArthur Bridge sa Sta. Cruz, Maynila noong Setyembre 2020. Ayon sa Manila Public Information Office, ang matanda ay namumutla at hinang hina na. Mabuti na lamang at agad tumugon ang mga barangay officials dahil sa viral post ng isang netizen na awang-awa sa matanda na naka-diaper pa at nakahiga sa isang karton. Napag-alamang kalalabas lamang sa ospital ng matanda. Diumano, dalawang linggo itong naka confine sa ospital. Ipinahanap sa awtoridad ang mga may kinalaman sa pangyayari at iniharap ang mga ito sa opisina ni meyor Isko Moreno ilang araw lamang matapos ang insidente.

Sa isang video na mula sa Manila PIO, makikita ang galit ni Meyor Isko sa mga nabanggit na taong nag-iwan sa matanda, sinabi niya na “kung ang pusa o aso nga pag nakita sa daan pinupulot, tao pa kaya?, kung hindi nakita at nasagip ang matanda ano na kaya ang nangyayari sa kanya?” Dagdag na tanong niya sa pamangkin, “ Gusto mo ba na pag tanda mo itapon ka rin sa tabing ilog ng anak mo?”
Sinampahan ng kasong pag-abandona ang pamangkin ng matanda, isang babae at tricycle driver na nagdala at nag-iwan sa matandang babae sa kaawa-awang kalagayan.
Mga tanong:
1. Kung ikaw ang makakakita ng isang matanda sa ganoong kalagayan, ano ang magiging reaksyon mo? Bakit?
2. Ano ang likas na dikta ng isip at puso ng tao kapag nakakita ng mga sitwasyong nasa kaawa-awang lagay ang kanyang kapwa?
3. Normal ba ang ginawa ng pamangkin at mga kasangkot sa pag-abandona sa matanda? Bakit?
4. Saan nag-uugat ang galit ng maraming netizen gayundin si mayor Isko sa ginawa sa matanda?
5. Ano ang dikta ng Likas na Batas Moral na nararapat na pagtrato sa kapwa tao lalo na sa
matanda at may sakit pa?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.