Questions


November 2022 1 2 Report
Nag-uusap ang magkaibigang Teejay at Maan. “Tayo na sa halamanan. Tingnan natin ang mga
tanim,” wika ni Teejay.
“Dadalhin ko na ang pandilig,” wika naman ni Maan.
“Huwag mo nang dalhin iyan dahil umulan naman kagabi,” sabi ni Teejay.
Nang nasa halamanan na sina Teejay at Maan, ganito ang kanilang usapan.
“Tingnan mo ang mga halaman, Maan. Marami na silang bulaklak ngayon,” sabi ni Teejay.
“Kayganda nga nilang pagmasdan. Bakit kaya may bulaklak na ang mga halaman?” tanong ni
Maan.
“Dinilig kasi ng ulan ang mga halaman. Gusto ng mga halaman ang ulan pati na rin ang araw.
“Malalaki na rin ang ating mga tanim na gulay. Mamumunga na ang mga ito,” wika ni Teejay.
Nakita ni Maan ang mga damong nakapaligid sa mga gulay.
“Ating linisin ang halamanan. Maraming damo sa mga gulay. May uod pa ang mga petsay. Marami
rin ang nakakalat na bato,” wika ni Maan.
Kinuha ng dalawa ang asarol at kalaykay. Inalis nila ang mga damo at bato. Inalisan din nila ng uod
ang mga gulay. Masama sa tanim ang mga ito. Kanilang binungkal ang lupa ng mga tanim upang lalong
tumaba ito.
“Malinis na ang halamanan. Wala na ang kanilang mga kaaway,” wika ni Maan.
Pagkatapos ay umalis na ang magkaibigang Teejay at Maan.

Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang ginawa ng magkaibigang Teejay at Maan sa halamanan?
2. Ano-ano ang pangangailangan ng mga halaman ayon sa magkaibigan?
3. Paano nila ipinakita ang pangangalaga sa mga halaman?
4. Bilang batang mag-aaral, sa paanong paraan mo inaalagaan ang mga halaman? Isa-isahin ang mga
gawaing isasakatuparan.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.