Questions


August 2022 1 1 Report
Nag-aapoy ang damdamin ni Tandang habang nagsasalita. “Eh, paano, kapit sa patalim na talaga kami! Katuwiran ng mga daga. “Ah, kaya kayo nag-ober da bakod! Puwes, nagkakamali kayo ng pinuntahan!” Pagmamatigas ni Tandang.
Sa kabila ng pagbabanta ni Tandang, pikit-mata pa ring lumalapit ang mga daga. Habang handang-handa naman si Tandang na pagtutukain ang mga kalaban. Animo’y Agila na handang mandagit! Dumating na rin si Inahin para tulungan si Tandang. Ngunit tila madadaig pa rin sila ng mga daga na patuloy sa paglapit. Lumalapit nang dahan-dahan ngunit pursigido at sigurado ang mga hakbang. Papalapit nang papalapit sa kanilang pagkain. Takam na takam na ang mga daga! Nang biglang lumitaw si Pusay mula sa likuran. ”Meow! Meow!” Babala ni Pusay. Parang mga basang sisiw ang mga daga. Natakot ang mga ito nang makita si Pusay kaya kumaripas sila ng takbo.
Malaki ang pasasalamat nina Tandang at Inahin kay Pusay dahil ito lang pala ang tuluyang makapagpapalayas sa mga kalaban. Nagpasalamat din sila kay Kokar sa maagap nitong paghingi ng saklolo para matulungan si Tandang. “Maraming salamat mga kapitbahay sa inyong malasakit sa amin. Tunay kayong mga kaibigan.” Panabay na wika nina Tandang at Inahin.

Tanong:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa sagutang papel.

1.Ano ang dinepensahan ni Tandang?

2.Sino-sino ang naging kalaban ni tandang?

3.Bakit ganoon na lamang ka pursigido ang mga daga na makuha ang kanilang gusto?
4.Paano ipinakita ng mga kapitbahay ang kanilang pagmamalasakit?

5.Kung ikaw si Pusay, Ganoon din ba ang iyong gagawin? Bakit?



NONSENSE=REPORT

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.