Naatasang mag ulat sa klase tungkol sa Anti-Bullying Campagin ng
paaralan sina Ramon Maria at Rico
"Naku po, kasama pa naman namin si Ramon sa pangkat, e siya nga ang
numero unong bully hindi lamang sa klase, kundi sa buong paaralan." Ang
culong ni Maria sa sarili. Napansin pala siya ni Rico, ang isa pa nilang miyembro
"Sakit bigla kang nanahimik at tumanaw sa malayo. Maria?" ang tanong ni Rico.
A wala, may naalaala lang ako," sagot ni Maria. "Ows, huwag ka nang
magkaila. Alam ko ang dahilan Si Ramon, ano?" ang panunukso ni Rico, sabay
turo kay Ramon na hindi nakikinig sa kanilang usapan. Tingnan mo, hindi ka
inintindi bilang der. Malamang, ikaw pa rin ang gagawa lahat ng mga
nakatakdang gawin niya para sa pangkat
"Hindi ko muna papansinin ang sumpong ni Ramon. Mga kasama, simulan
na natin ang paggawa ng plano. Paano ba natin ito maipakikita sa ating mga
kamag-aral nang mahusay at maganda?" tanong ni Maria. "Sa palagay ko,
kailangan nating magsaliksik ukol sa anti-bullying sa internet para mas maging
malawak ang kaalaman natin ukol dito," sagot ni Rico. "Magandang suhestiyon
yan Rico ikaw naman, Ramon, ano ang masasabi mo?" Napagod na sa
kahihintay ng sagot ni Ramon si Maria subalit tahimik pa rin ito. Dahil doon,
inabot ng pagkap kon si Rico. at sinabi, "Ano ka ba Ramon, hindi mo ba
iginagalang ang ating lider, pati na ako? Magsalita ka!

Nang napansin ni Maria na nagkakaintindihan na ang dalawa, namagitan
na siya." Rico, Ramon igalang ninyo ang isa't isa. Sige, Ramon, ipaliwanag mo
kung bakit hindi ka payag sa suhestiyon ni Rico."
"Tahimik ako dahil pinipigil ko ang galit ko. Alam ko namang
binabansagan ako ng lahat na bully tapos isa ako sa mag-uulat ng anti-bullying.
Di ba insulto yun sa akin?
Bully nga raw ako, tapos magtuturo ako na huwag maging bully. Paano nila ako
paniniwalaan?" ang paliwanag ni Ramon kung bakit siya nananahimik sa
kanilang pagpupulong.
Alam mo, Ramon, hindi ka na maaaring lumipat sa ibang pangkat. Ang
gawaing ito ay may malaking puntos sa ating marka. Anong solusyon ang gusto
mong gawin?" tanong ni Maria.
Muling nagpaliwanag si Ramon, "Alam ko naman na mali ang ginagawa
kong pambu-bully, kaya lang, hindi ko naman kaya na agad-agad magbago.
Sinisikap ko nang magpakabuti dahil naawa na rin ako sa mga magulang ko na
laging pinapatawag sa guidance office. 'Pag natuto na akong magbago, mas
handa na akong maging tagapagsalita laban sa pambu-bully."
“Ako na lang ang tagapagsaliksik ng suhestiyon o idea ninyo sa internet.
Ako na rin ang gagawa ng Powerpoint pero huwag ninyo akong pagsalitain sa
harap ng mga kamag-aral natin. Hayaan muna ninyo akong manahimik sa likod
at ako ang inyong magiging technical assistant."
Binalingan ni Maria si Rico, "O ano, Rico, iginagalang mo ba ang suhestiyon
ni Ramon? Payag ka ba na tayong dalawa lang ang tagapagsalita?' "Oo naman,
Nauunawaan ko na siya. Sige, Ramon, patunayan mo sa mga kamag-aral natin na
hindi ka na mambu-bully, dahil ayaw mo nang mapagod ang mga magulang mo sa
pagbisita sa guidance office, at ayaw mo na ring magkaroon ng mga kaaway."
"Isang magandang aral para sa ating lahat ang sinabi ni Ramon. Darating
ang panahon na hindi ka na si "Ramon, ang bully," kundi ikaw na si "Ramon, ang
mabuti," ang panunukso ni Maria. Sabay-sabay na nagtawanan ang tatlong
magkakamag-aral.


1. ano ang dahilan naisip ni rico kung bakit ayaw makisama ni ramon sa pangkat?

2. bilang lider ng pangkat paano ipinakita ni maria na kapwa niya iginagalang ang dalawang miyembro ng muntik ng mag away?

3. ano ang paliwanag ni ramon kung bakit ayaw niyang sumama sa pag uulat?

4.ano ang gagawin mo kung na punta ka sa isang pangkat na hindi mo masyadong gusto ang iyong mga kasama?

5. bilang isang mag-aaral paano maipapakita ang pagmamalasakit sa kapwa?.



important lang po
okay lang maliit lang ang sagut salamat po:)​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.