Questions


September 2022 1 3 Report
MUNTING PANGARAP Isinulat ni: Asuncion Sibi Barola Sa isang nayon, may dalawang matalik na magkaibigang sina Julio at Pedro. Sila'y magkababata at ang turing nila sa isa't isa ay parang magkapatid. Nais nilang makapagtapos ng pag-aaral. Walang problema si Julio sa kaniyang pag-aaral dahil nasa tabi niya palagi ang kaniyang mga magulang na handang sumuporta sa kaniya kahit magsasaka lamang sila. Samantalang si Pedro ay nahihirapang makapag-aral dahil sa hirap ng buhay. Nangungupahan lamang sila sa lupang kanilang sinasaka. Ngunit pursigido siyang makatapos ng pag-aaral kaya naghahanap siya ng paraan para matustusan ang kaniyang pangangailangan sa paaralan. Tuwing Sabado at Linggo, naglalako siya ng diyaryo at ang kaniyang kita ay iniipon niya. Magkasama si Pedro at Julio kung pumasok sa paaralan. Binibigyan ni Julio si Pedro ng baon at papel araw-araw. Nang nasa ikalimang baitang na sila, nahinto sa pag-aaral si Pedro dahil nagkasakit ang kaniyang ama, at wala nang katuwang ang kaniyang ina sa paghahanapbuhay. Pumasok siya bilang tagapag-alaga ng baboy sa isang piggery malapit sa kanilang nayon. Tinanggap siya at nagkaroon ng sahod na limampung piso bawat buwan. Humingi siya ng pahintulot sa kaniyang amo na makapag-aral habang nagtatrabaho Sa una, hindi pumayag ang kaniyang amo dahil mapapabayaan ang trabaho nito, subalit dahil sa pagmamakaawa niya ay sumang-ayon din ito. Sa simula, ay mabuti ang pakikitungo ng kaniyang amo sa kaniya. Subalit ng lumipas ay nagbago ang lahat. Palagi siyang pinagagalitan, sinisigawan at sinsaktan. Sa maliit na pagkakamali, nakatitikim siya ng palo at pinahihinto na rin siya sa pag-aaral.Dahil sa ilang araw ng hindi pumapasok sa paaralan si Pedro ay nagtaka si Julio. Upang malaman ang dahilan ay pinuntahan niya ito sa pinapasukang trabaho. Nakita niya ang matalik na kaibigan sa gilid ng piggery na nagbabasa ng aklat. Nalungkot siya nang makita niya ang maraming pasa sa kamay at paa ni Pedro. Ayon pa rito ay hindi alam ng mga magulang nito ang nangyayaring pagmamalupit sa kaniya.. Hindi raw ito alam ng kaniyang mga magulang Nang umuwi si Julio pagkagaling niya kay Pedro ay sinabi niya sa kaniyang ina ang mga nalaman tungkol sa kalagayan ni Pedro., sinabi niya ang lahat sa ina ang nalaman tungkol kay Pedro. Dahil parang anak na rin ang turing ng mga magulang ni Julio kay Pedro, dali-dali nilang pinuntahan ang magulang ni Pedro upang ipagbigay-alam ang buhay ng kanilang anak sa kamay ng malupit nitong amo. Agad silang pumunta sa pinapasukang trabaho pinagtatrabahuan ng anak kasama ang mga magulang ni Julio. Nakita nila ang nakakaawang kalagayan nito. Nakipag-usap sila sa amo nito at isinama pag-uwi ang bata. Lumapit sila sa DSWD upang matulungan sila sa sinapit nga anak. Ipinatawag ng DSWD ang amo ni Pedro upang papanagutin ito. Dahil may mabuting kalooban ang mga magulang ni Pedro ay pinatawad nila ito at hiniling na lamang na ipagamot ang anak at sinabihan na huwag ng mananakit ng kapuwa. Mula noon, nakapagpatuloy na sa pag-aaral si Pedro sa tulong ng mga magulang ni Julio. Natapos niya ang elemtarya na may nasungkit na karangalan. Natupad na niya ang kaniyang munting pangarap.

MGA TANONG:
1.ILARAWAN ANG SITWASYON NG DALAWANG BATA NA TAUHAN SA KUWENTO.

2.ANO ANG KANILANG MUNTING PANGARAP SA BUHAY NG MGA BATA SA KUWENTO? SA IYONG PALAGAY, BAKIT ITO ANG KANILANG PANGARAP?

3.ANO ANG IKINABUBUHAY NG DALAWANG PAMILYA?

4.SA DALAWANG BATA,SINO ANG MAS NANGAGAILANGAN NG PAGMAMALASAKIT? BAKIT?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.