Mula sa Talaarawan ni Maria Ika-20 ng Setyembre, 2021- Sinulatan ni Cayden ang aking Modyul sa asignaturang Filipino. Hindi ko na tuloy mabasa ang ilang bahagi dahil natakpan na ng permanenteng guhit ng pangkulay. Sana lapis na lang ang ginamit niya para mabura ko pa. Pinagalitan ko si Cayden dahil pinakialaman niya ang gamit ko. Maingat pa naman ako sa mga gamit at laruan ko. Sabi ni Nanay, kailangan ko raw unawain si Cayden dahil bata pa siya at minsan hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya. Ika-23 ng Setyembre, 2021- Naku! Ang ingay-ingay ni Cayden! Umiiyak siya ngayon dahil nasira ang kanyang trak na laruan. Gumagawa ako ng Takdang-Aralin, pero nakakabingi ang ingay dito sa bahay dahil sa pag-iyak ni Cayden. Di ko pa tuloy natapos gawin ang aking takdang-aralin. Maya-maya ko na tatapusin. Minsan, parang gusto ko na ring sabayan ang pag-iyak ni Cayden. Paano ako mag-aaral? Bakit palaging magulo sa bahay namin? Tinatawag ako ni Nanay at aayusin ko raw ang trak na laruan ni Cayden. Hay, ang hirap maging panganay kung minsan. Ika-24 ng Setyembre, 2021- Pumunta si Nanay sa palengke at inutusan ako na bantayan muna si Cayden. Habang naglalaro kami, napansin ko ang aking kapitbahay na si Nora na karga-karga niya ang kaniyang kapatid na sanggol. Natutulog lang siya sa buong maghapon. Napakatahimik niya at napakadaling alagaan. Ngayon, kay hirap na niyang pagsabihan. Minsan naisip kong sana naging sanggol na lang siya at hindi na lumaki pa. Ika-25 ng Setyembre, 2021- Nakakatakot ang nangyari kanina! Naglakad kami ni Cayden papunta sa tindahan para bumili ng sabon. Natuwa siya sa mga bagong tuta ni Aling Perla. Naku! kapapanganak pa lang ng aso nila kaya mabagsik ito; binabantayan niya ang mga anak niya. Nagalit ang aso at muntik ng habulin si Cayden! Buti na lamang at nakatali ito kaya hindi niya naabot ang kapatid ko. Kung nagkataon, baka nasaktan pa si Cayden. Pero buti na lang at hindi siya nasaktan. Makulit man siya, kapatid ko pa rin siya at ayaw kong may mangyaring masama sa kanya.

Mga tanong:

1. Ilan ang kapatid ni Maria? *

A. Isa

B. dalawa

C. tatlo

2. Bakit nahihirapan si Maria na mag-aral sa bahay? *

A. Maingay ang kanyang kapatid

B. Lagi siyang inutusan ng kanyang Nanay

C. Sinusulatan ng kanyang kapatid ang kaniyang modyul

3. Ano ang ginawa ni Maria noong Setyembre 25, 2021? *

A. Naglaro sila ng kanyang kapatid.

B. Muntik ng makagat ng aso si Cayden.

C. Pinagalitan niya si Cayden dahil Sinulatan nito ang kanyang modyul

4. Bakit hindi na nagagalit si Maria sa kaniyang kapatid? *

A. Ipinagbawal ito ng kanyang ina.

B. Walang ginagawang masama ang kanyang kapatid.

C. Bata pa siya at hindi pa niya naiintindihan ang ginagawa niya.

5. Ano ang napagtanto ni Maria nang muntik ng makagat ng aso ang kanyang kapatid? *

A. Napakakulit ng kaniyang kapatid.

B. Mahilig pala sa aso ang kaniyang kapatid.

C. Ayaw niyang masaktan ang kaniyang kapatid.





Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.