Questions


October 2022 1 4 Report
Mula sa kuwentong binasa suriin ang sumusunod na mga pangungusap at tukuyin ang wastong pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa pamamagitan ng bilang 1 hanggang 10. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
_______ 1. Ang kahariang Kutang-Bato na kanyang pinamumunuan noon, ay ngayo’y tinatawag na nating Cotabato na isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao.
_______ 2. Mahigpit na ipinagbabawal ni Reyna Sima ang paggalaw ng supot sa pinag- iwanang mesa, para sa pagbalik daw ng may-ari ay doon din niya ito makikita.
_______ 3. Mahigpit niyang ipinasusunod ang mga batas. Ang sinumang lumabag sa mga tuntunin at ipinag -uutos ng Reyna ay ginagawaran ng parusa
_______ 4. Ang matandang ministro ang naglakas-loob na nagsabing ang anak pala ng reyna ang hindi sinasadya’y nakagalaw sa supot.
_______ 5. Isang negosyanteng Arabe ang nakaiwan ng supot na ginto sa palasyo.
_______ 6. Noong mga panahon na ang ating bansa ay binubuo pa ng iba’t ibang tribo, isa sa mga nito ay si Reyna Sima.
_______ 7. Nang maibalita ang pangyayaring ito sa ibang pook, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa pagpapanatili ng katapatan, lalong-lalo na sa mga naglilingkod at mga opisyal ng kaharian. _______ 8. Ipinasundo kaagad ng reyna ang anak na nagkasala at pinag-sabihan ito. Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng katapatan sa anak.
_______ 9. Isang araw nakita ng Reyna na nagalaw ang ilang piraso ng ginto. Tinawag niya ang mga kawal at ipinagtanong ang tungkol dito, wala namang maisagot ang mga kawal. _______ 10. Nakilala siya hindi lamang sa mga katangiang nabanggit kundi pati na rin sa katapatan niya sa kanyang mga nasasakupan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.