Mula pa noong Marso na isinailalim sa lockdown ang Metro Manila,
naging kalakaran na ng mga tanggapan at establisimiento na sa bahay na
lamang gawin ang mga trabaho ng mga empleyado gamit ang internet para
maiwasang mahawahan ng virus. Idagdag pa ngayon ang mga studyanteng
sa bahay nag-aaral sa ilalim ng distance learning. Suhestiyon ng
Department of Labor and Employment ay magwo- work from home ang mga
kompanya para makaiwas sa paghahawahan ng COVID 19 ang mga
empleyado at mga trabahador. Ang naging isang problema ay ang ingay ng
kapitbahay dahil mayroong maghapon o magdamagan sa pagkakaraoke at
ingay mulasa sound system at mga nag-aaway na magkapitbahay dahil sa
maghapon na pagka- karaoke. Ngayong nag-umpisa na rin ang distance
learning ng mga estudyante sa public schools, dapat walang makakaistorbo
sa kanila habang nakatutok sa kanilang gadgets. Nais masolusyunan ni
Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Camilo Cascolansinabi niya na
makikipag-ugnayan sila sa barangay officials hihilingin ang naisyong
ordinansa laban sa mga maiingay na aktibidad sa barangay at dalawang
pulis ang handa niyang ipasama sa mga romorondang barangay tanod para
mapanatili ang katahimikan malaki ang maitutulong kung may ordinansa
na bawal mag-ingay lalo pa’t maraming nagtatrabaho at nag-aaral sa
bahay.
Halaw sa: (Pilipino Star Ngayon) October 7, 2020- 12:00 am
1. Ano ang ipinapakita sa editoryal cartoon?
A. Malakas kumanta ang lalake.
B. Masayang kumanta ang lalake.
C. Ang mga lalake ay kumakanta.
D. Natutuwa ang mga kasama niyang lalake sa kaniyang pagkanta.
2. Ano ang problema ng mga tao sa isang baranggay?
A. Ang sakit na COVID 19
B. Ang mga nag-aaway na kapitbahay.
C. Ang mga taong mahilig kumanta sa karaoke.
D. Ang ingay mula sa karaoke at iba pang sound system.
3. Ang ibig sabihin ng ordinansa ay _____.
A. plano
B. batas

9

Modyul sa Filipino 4
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo

C. parusa
D. tulong
4. Ano ang solusyon na gagawin ng PNP Chief Gen. Casicolan?
A. Makikipag-ugnayan sila sa mga Baranggay Officials.
B. Magkikipag-usap sila sa may-ari ng karaoke.
C. Pagagalitan nila ang mga gumawa ng ingay.
D. Ikukulong nila ang mga maghapon na nagkakaraoke.
5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang gumagamit ng
pariralang pang-abay at pandiwa?
A. Masyadong malakas ang boses ng lalake dahil sa kaniyang pagkanta.
B. Masayang kumakanta ang lalake sa karaoke.
C. Nagagalit ang mga tao sa lalake dahil sa kanyang malakas na
pagkanta.
D. Tumulong si PNP Chief Gen. Casicolan na solusyunan ang
problema sa isangbarangay.

Mahusay! Upang masukat pa ang iyong mga natutuhan, naglaan ako ng isa
pang gawain para sa iyo. pasagot po

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.