Questions


August 2022 1 3 Report
Miyerkules noon, malamig na simoy ng hangin ang bumati sa akin Nakasakay kami ng aling mga magulang sa pampasaherong dyip patungo sa isang bayan na kung tawagin ay "Little Baguio." Ito ang lugar kung saan nakita ko ang simpleng pamumuhay ng mga taong may sipag at may mumunting pangarap. Dito, sila ay nagtatanim ng mgn halamang gulay at ang mga hayop gaya ng kalabaw at baka ay malayong nakakagala sa paligid. Sariwang isda naman ang nananahan sa malinis na ilog. Dito ko nakilala si Carl, isang batang kasing edad ko rin. Magkaibigan ang aming mga magulang. Pareho kaming nasa ikalimang baitang. Pangarap ni Carl na makatapos ng elementarya at makapag-aral sa isang paaralang pansekondarya sa bayan, bagama't mayroon ding mataas na paaralan sa Little Baguio. Ito ang bayan na ang hanging umiihip sa bawat minuto ng bawat oras ay tila ba hangin ng Pasko. Naaalala ko pa nang magkakilala kami ni Carl... Kumusta ka? JJ ang pangalan ko. Ikaw? Carl: Mabuti naman. Ako naman si Carl. Ang sarap ng hangin dito sa lugar na ito, sariwa at malamig. Carl: Little Baguio ang tawag namin sa lugar na ito. JJ: Sabi ko nga sa tatay at nanay ko, gusto kong manatili na lamang kami JJ: JJ: rito. JJ: Carl: Paano ang pag-aaral mo sa bayan? Lilipat na lamang ako rito sa Paaralang Elementarya ng San Buenaventura. Carl: Aba mabuti kung ganoon. Sana maging kamag-aral kita. JJ: Sana nga, maraming salamat, Carl. Tinawag na Little Baguio ang bayan ng Luisiana sa lalawigan ng Laguna sapagkat tulad ng Lungsod ng Baguio ito ay mataas at may mababang temperatura. Matatagpuan ito sa bulubundukin ng Sierra Madre. A Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ang sagot sa patlang. b


1. Ano-ano ang makikita sa Little Baguio?
a. Mga batang naglalaro sa kalsada, at magagandang bahay
b. Ang simpleng pamumuhay ng mga taong may sipag at mumunting pangarap.
c. Nagtatanim ng sariwang gulay at ang mga hayop na nakatali sa paligid.
d. Sariwang isda ang itinitinda sa mga tindahan.

2. Ano ang maaaring maramdaman ni JJ kung papayag ang mga magulang niyang maiwan na sila sa lugar nina Carl?
a. Masaya dahil makakaalis na siya sa paaralan niya sa bayan
b. Masaya dahil natupad ang nais niya na maiwan sa lugar kung saan malamig ang klima at maaari pa niyang maging kamag-aral si Carl.
c. Masaya dahil araw-araw na siyang makapaliligo sa malamig na batis.
d. Masaya dahil matagal na niyang pangarap ang manirahan sa bayan ng Little Baguio.


Matino po sana papasa na kasi ngayon.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.