1. Ito ay tumutukoy sa pamamahala ng kalalakihan sa bansang Kenya.

A. Aristocratic
B. Matrilinear
C. Egalitarian
D. Patrilinear

2. Siya ay malakas, mataas tulad ng higante, at nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar.

A. Ahmad
B. Sarah
C. Liongo
D. Toby 2

3. Ito ay akdang pampanitikang tumutukoy sa kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukupan, kalipunan ng iba't ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao at ng mga mahiwagang nilikha.

A. alamat
B. mito/mitolohiya
C. epiko
D. parabula

4. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang malakas. Hindi niya ito mapatigil; ibinaba niya ito at hinayaang umiyak nang umiyak kahit ayaw niya itong gawin dahil anak niya ang bata. Batay sa mga pahayag na ito, si Sarah ay maaaring ilarawan bilang isang inang

A. masipag
B. maunawain
C. matiisin
D.pabaya sa anak

5. Ito ay tumutukoy sa paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin.

A. pagkiklino
B. pagsasaling-wika
C. pagpapakahulugan
D. pagsusuring-wika

6. Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa mainit na palayan, isang batang lalaking alipin. Nakita siya ng tagapagbantay at nilatigo siya; bumagsak ang bata. Anong kalagayang panlipunan sa Africa ang masasalamin sa mga pahayag na ito?

A. Malulupit ang tagapagbantay sa mga palayan.
B. Maraming mayamang may-ari ng lupa sa bansa.
C. Nagaganap sa lipunan ng Africa ang pang-aalipin.
D. Marahas silang magparusa sa mga may kasalanan.

7. Ano ang kahulugan ng salitang, "naimbitahan"? Ito ay nagmula sa salitang-ugat na "imbita", na kinabitan ng mga panlaping na-at-han.

A. nagpaanyaya sa isang pagtitipon
B. naanyayahan sa isang pagtitipon
C. inaanyayahan sa isang pagtitipon
D. nagpapaanyaya sa isang pagtitipon

8. “Bakit hindi mo siya binigyan ng kaukulang paggalang?" tanong ng vizier sa Mongheng Mohametano. Ano ang damdaming nakapaloob sa pahayag?

A. nagdadalamhati sapagkat matatanggal na siya bilang ministro
B. natutuwa sapagkat mayroong naglakas ng loob na sumuway sa sultan
C. nagdududa sapagkat tila may kakaiba sa Mongheng Mohametano
D. nababahala sapagkat nagalit ang sultan sa ikinilos ng Mongheng Mohametano

9. Ano ang binigyang-tuon sa anekdotang Mongheng Mohametano?

A. ang kalupitan ng may kapangyarihan sa kaniyang nasasakupan
B. ang paghihirap ng mga karaniwang tao upang makapanampalataya
C. ang kaligayahan ng Mongheng Mohametano na makapamanata sa disyerto
D. ang pananampalataya ng Monghe at kinaugaliang pagbibigay-pugay sa sultan sa tuwing siya ay dadaan

10. Ano ang pokus ng Sufism?

A. pag-aaral ng iba't ibang relihiyon
B. pag-aaral ng mga bagong kaalaman para mabuhay
C. pagpapaunlad ng kakayahan ng mga tao sa pamumuhay
D. pagpapaunlad ng indibidwal sa pamamagitan ng pandama​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.