Ang panghalip ay salitang pamalit sa pangngalan. Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod ng pangungusap.
Mga Uri ng Panghalip
1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun)
Mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig na "para sa tao" o "pangtao". Ito ay panghalili sa ngalan ng tao.
Answers & Comments
Ano ang Panghalip?
Mga Uri ng Panghalip
1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun)
Mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig na "para sa tao" o "pangtao". Ito ay panghalili sa ngalan ng tao.
ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, siya, kanya
Ako ay aalis bukas ng umaga.
Nasa akin ang bolang kristal.
2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun)
Ang panghalip na pamatlig ay humahalili sa ngalan ng tao, bagay, at iba pa na tinuturo o inihihimaton.
malapit sa nagsasalita: ito, ire, niri, nito, ganito, ganire
malapit sa kinakausap: iyan, niya, ayan, hayan, diyan
malayo sa nag-uusap: ayun, hayun, iyon, yaon, niyon, noon, doon
Iyon ang kaibigan ni Ana.
Iiwan niya ang bag doon.
3. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun)
Mula sa salitang "tanong", kaya't may pakahulugang "pantanong". Pinaghahalili sa pangngalan sa paraang patanong.
ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin
Sino ang pangulo ng Pilipinas?
Ano ang binili mo sa palengke?
4. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)
Mula sa salitang "saklaw", kaya't may pahiwatig na "pangsaklaw" o "pangsakop". Literal na panghalip na walang katiyakan o hindi tiyak.
lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang
Lahat ng parusa ay haharapin ko.
Alinman sa mga prustas na ito ay masarap.
5. Panghalip na Pamanggit
Panghalip na Panauhan
1. Unang Panauhan - tumutukoy sa taong nagsasalita o kasama ang kanyang sarili.
Ako ay pupunta sa Cebu.
Kami ay may parehong suot.
2. Ikalawang Panauhan - tumutukoy sa taong kausap o kinakausap.
Pupunta ka sa hospital ngayong umaga.
Ikaw ang bagong guro sa Silliman University.
3. Ikatlong Panauhan - tumutukoy sa taong pinag-uusapan.
Siya ang sumampal sa akin.
Binigyan niya ako ng pagkain.
HOPE IT HELPED
#CARRY ON LEARNING