Isa sa mga mabisang paraan upang matuto ng mga bagong kaalaman ay sa pamamagitan ng pagbabasa. At mga mga babasahin, tulad ng aklat at mga pahayagan ay nagtataglay ng mga teksyo.
Ano ang Teksto?
Tinatawag na teksto ang mga pangunahing salita sa anumang babasahin na nagtataglay ng iba’t ibang impormasyon. Maaari din itong nagbibigay ng mensahe o damdamin ng sinuman sa paraang pasulat o nakalimbag.
Matutukoy ding teksto ang orihinal na mga salita o pahayag ng isang awtor sa isang dokumento kabilang ang kaniyang mga paliwanag, puna, pagsasalaysay ng karanasan, paglalarawan ng mga bagay, pagbibigay ng pagtataya o paglalahad ng impormasyon o pag-aanalisa.
Sa akademikong uri ng pag-aaral, ang teksto ay maaari ding sumaklaw sa ilan pang isinusulat na akda katulad ng mga pelikula, programa sa telebisyon, awitin, patalastas, at iba pang nakalimbag na paalala.
Iba’t Ibang Uri ng Teksto
May iba’t ibang uri ng teksto ayon sa impormasyon o mensaheng nais nitong ibigay sa mambabasa. Ang ilan ay ang mga sumusunod.
Tekstong Impormatibo
Layunin nitong magbigay ng konkretong impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Sinasabing ‘objective’ ang mga tekstong impormatib dahil walang halong anumang opinyon ang pagsasalaysay sa uri ng tekstong ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga kuwentong nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari at mga babasahing mayroon tayo sa paaralan tulad ng mga teksbuk o batayang aklat. Kadalasang sinasagot nito ang mga tanong na ano, sino, at paano.
5 Halimbawa ng Tekstong ImpormatiboSampaguita ang pambansang bulaklak ng Pilipinas.Si Catriona Grey ang itinanghal na Miss Universe 2018.Mapapanood ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing Linggo ng gabi.Nagpunta sina Marian at Dingdong sa kaarawan ni Karylle.Pinasimulan ng pamahalaang Duterte ang laban kontra iligal na droga.
More Info: Karagdagang Halimbawa, Kahulugan at Mga Uri ng Tekstong Impormatibo.
Tekstong Deskriptibo
Isa namang uri ng naglalarawang babasahin ang tekstong deskriptiv o deskriptibo. Ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kauganyan sa katangian ng mga tao, hayos, bagay, lugar, at mga pangyayari. Dahil naglalarawan ang mga tekstong deskriptib, mayaman ang mga ito sa mga pang-uri at pang-abay. Maaari din itong maging tekstong nagpapahayag ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga bagay. Ito rin ay isang paraan ng masining na pagpapahayag ng paghanga sa ilang bagay.
5 Halimbawa ng Tekstong Deskriptibo
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng tekstong deskriptiv.
Mahalimuyak ang mga bulaklak sa hardin ni Aling Martha.Napakabilis umiyak ng batang si Marco kapag inaasar.Tila isang abandonadong lugar ang kaniyang silid dahil sa sobrang dumi.Kumukutitap na ang mga ilaw sa napakagandang bahay nina Jonas.Malulusog at masasarap kumain ang pamilya Sanchez.
Answers & Comments
Answer:
Teksto