Ang bawat mamamayan ay may mga karapatan at mga tungkulin.
Ang tungkulin ay tumutukoy sa moral o legal na obligasyon o responsibilidad. Kalakip dito ang mga gawain o aksyon na kailangang gawin ng isang tao.
Mga Tungkulin at Obligasyon ng Mga Mamamayang Pilipino
Ayon sa Article V (Duties and Obligations of Citizens) Section 1 ng 1973 Constitution of the Republic of the Philippines: Tungkulin ng mamamayan na maging tapat sa Republika at parangalan ang watawat ng Pilipinas, ipagtanggol ang Estado at mag-ambag sa pag-unlad at kapakanan nito, itaguyod ang Saligang Batas at sundin ang mga batas, at makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagtatamo at pangangalaga ng isang makatarungan at maayos na lipunan.
Pansinin na bahagi ng tungkulin ng mga mamamayang Pilipino ang “mag-ambag sa pag-unlad at kapakanan nito” tungo sa pagtatamo ng ng “isang makatarungan at maayos na lipunan.” Kung gayon, tungkulin natin ang lumahok sa mga gawaing pansibiko at civic engagement.
Gawaing Pansibiko at Civic Engagement
Ano ang mga gawaing pansibiko sa komunidad?
Ang gawaing pansibiko ay ang mga pormal o di pormal na mga gawain na kaugnay ng pagkamamamayan o pagiging bahagi ng isang komunidad.
Mahalaga na ang mga kasapi ng komunidad ay magkaroon ng partisipasyon o pakikilahok sa mga gawaing pansibiko o mga gawaing makabubuti ng pamumuhay sa komunidad. Ang tawag dito ay civic engagement.
Ang civic engagement ay tumutukoy sa pakikilahok sa mga gawaing pansibiko. Ito ay isang paraan upang ipakita ang pagtutulungan upang mapabuti ang kalidad ng buhay sa komunidad. Sinasalamin nito ang personal na obligasyon o pananagutan ng isang tao upang paunlarin ang komunidad na kinabibilangan niya.
Ang mga sumusunod ay ilang mga tungkulin ng mga mamamayang Pilipino at mga halimbawa ng gawaing pansibiko o mga gawaing pinagtutulungan ng mga kasapi ng komunidad para sa ikabubuti nito:
Pagbubuwis
Ang pagbabayad ng buwis ay pananagutan ng isang mamamayan o miyembro ng komunidad. Ang buwis ay presyong binabayaran para sa isang sibilisadong lipunan. Ang perang nakukuha sa pagbabayad ng buwis ay ginagamit naman ng pamahalaan upang maisakatuparan ang marami nitong pananagutan tulad ng pagkakaloob ng serbisyo at paglilingkod sa mga mamamayan tulad ng pagpapagawa ng mga kalsada at tulay.
Paglutas ng suliranin sa komunidad
Ito ang mga mabilisang pagtugon sa pangangailangan ng komunidad tulad nang kapag may biktima ng baha, sunog at iba pang mga kalamidad o sakuna.
Pagboboluntaryo
Ito ay maaaring pagboboluntaryo para sa tree planting o pagtatanim ng puno at halaman para sa kalikasan, paglilinis o , area cleaning o clean up drive , serbisyong panlipunan para sa matatanda at mahihirap, feeding program sa mga bata, at day care center.
Pagkalap ng pondo o fund raising
Ang pagkalap ng pondo o fund-raising ay madalas ginagawa sa mga anyo ng WALK at RUN para sa iba’t-ibang kadahilanan at mga pagkakawanggawa o charity.
Pagtangkilik sa mga produkto sa komunidad
Pagbili ng mga produktong gawa sa sariling komunidad upang makadagdag sa kita o pondo ng komunidad.
Pagtulong sa kabuhayan
Pagtulong sa paglulunsad ng mga livelihood o financial seminars na makakatulong sa mga tao sa komunidad na nangangailangan ng pagkakakitaan.
Medical at Dental Missions
Ang mga professionals sa larangan ng medisina ay hinihikayat ng makilahok sa ganitong mga gawain. Karaniwang nagbibigay ng mga libreng medical at dental check-up at gamot sa ganitong mga medical at dental missions.
Ang mga mamamayang Pilipino ay may iba't ibang tungkulin at responsibilidad sa lipunan. Narito ang ilan sa mga ito:
1.) Paghahalal ng mga pinuno: Isa sa mga tungkulin ng mga mamamayang Pilipino ay ang pagsali sa halalan at pagpili ng mga pinuno ng bansa tulad ng mga opisyal ng gobyerno, mga lokal na pinuno, at mga kinatawan sa lehislatura. Sa pamamagitan ng pagboto, nagbibigay sila ng kanilang opinyon at tinatangkilik ang proseso ng demokrasya.
2.) Pagsunod sa batas: Ang mga mamamayang Pilipino ay may tungkulin na sumunod sa mga batas at regulasyon ng bansa. Ito ay kinabibilangan ng pagbayad ng tamang buwis, pagsunod sa mga trapiko at regulasyon sa kalsada, at pagsunod sa mga alituntunin ng komunidad.
3.) Pagiging responsableng mamamayan: Bahagi ng tungkulin ng mga mamamayang Pilipino ay ang aktibong pakikilahok sa mga gawain na naglilingkod sa kapakanan ng bansa at ng kanilang komunidad. Ito ay maaaring magpakita sa pamamagitan ng pagtulong sa mga programa sa edukasyon, kalusugan, kapaligiran, o sa iba pang mga adbokasiya.
4.) Pag-aambag sa ekonomiya: Ang mga mamamayang Pilipino ay may tungkuling maging produktibo at maglaan ng kanilang mga kasanayan at kakayahan upang makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ito ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng pagsisikap sa trabaho, pagtatayo ng negosyo, o pag-aambag sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis.
5.) Pagpapahalaga sa kultura at kasaysayan: Tungkulin ng mga mamamayang Pilipino ang pagpapahalaga at pangangalaga sa kultura at kasaysayan ng bansa. Ito ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga tradisyon at kultura, pangangalaga sa mga makasaysayang lugar, at pagpapalaganap ng mga kaugalian at saloobin na nagpapakita ng pagmamahal sa sariling bansa.
6.) Pagsulong ng kapayapaan at katarungan: Bahagi ng tungkulin ng mga mamamayang Pilipino ay ang pakikilahok sa mga gawain at kilusan na naglalayong magkaroon ng kapayapaan at katarungan sa lipunan. Ito ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng paglaban sa korapsyon, pagsuporta sa mga karapatang pantao, at pakikilahok sa mga proyekto at programa na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga mahihirap at nangangailangan.
Ang mga nabanggit na tungkulin ay ilan lamang sa mga responsibilidad ng mga mamamayang Pilipino.
Answers & Comments
Verified answer
Answer: