Questions


November 2021 1 2 Report
Mga Tauhan
Cynthia, pangulo ng Young Scientists Club
Edith, pangulo ng Young Mathematics Club
Thelma, pangulo ng Young Readers Club
Tagpuan
Sa bakuran ng Camella Home Bacoor Learning Institute
Cynthia : Paano makatutulong ang kabataan upang maiangat ang kalagayan ng
Pilipinas?
Edth
: Magsikap mag-aral. Dito sa bansa maghanapbuhay kapag matapos na sa
pag-aaral. Bakit mo naman naitanong 'yan?
Thelma
: Oo nga naman. Sa dami ng maitatanong mo tungkol sa mga asignatura natin
ay bakit ba 'yan ang naitanong mo?
Cynthia : Sasali ako sa Timpalak sa Pagsulat ng Sanaysay.
Edith
: Teka, sa science ka magaling, a. Hindi ka magiging pangulo ng Young
Scientists Club kung hindi ka marunong sa agham. Tsampyon ka yata sa
"Battle of the Brains."
Thelma : At hindi ka naman kasama sa staff ng pahayagang pampaaralan natin. Ano ang
naisip mo at sasali ka sa patimpalak sa pagsulat ng sanaysay?
Cynthia : Wala naman seryosong dahilan. Ibig ko lang mapatunayan sa sarili ko na hindi
lang ako mahusay sa agham kundi maging sa pagsulat. Sige na tulungan na
ninyo ako. Sagutin na ninyo ang tanong ko.
Edith
: Sige na nga. Sa palagay ko, ang Pilipinas ay magiging industriyalisado na.
Magiging maunlad na ito sa larangan ng agham at teknolohiya.
Cynthia : Alam ko na 'yan. Iyong iba naming dahilan o impormasyon tungkol sa paksang
'yan.
Edith
: Maraming maaaring mangyari. Maaaring umunlad na nga ang ating bayan sa
larangan ng pangkabuhayan at paghahanapbuhay pero baka sakupin na naman
ang Pilipinas ng mga dayuhan.
Thelma : Hindi na baleng sakupin tayo ng mga dayuhan basta't mga negosyanteng
dayuhan.
Cynthia : Bakit naman tayo pasasakop sa kanila kung ayaw natin?
Edith
Basta't may pagkakaisa tayo, ang bayan natin ay uunlad nang husto.
Cynthia
: Salamat sa inyo.
Edith
: Saan?
Cynthia
: Alam ko na ang susulatin ko.
Thelma
: Paano kung manalo ka?
Cynthia
: Siyempre, magpapansit ako. Sa canteen lang, ha?
Thelma at Edith
: Sinabi mo 'yan, ha?

Tanong:
1. Ano ang tungkulin ni Cynthia sa paaralan?
2. Bakit gayon na lamang ang pagtataka ni edith nang malaman niyang sasali sa patimpalak ng pag sulat si cynthia?
3. Sa kwentong binasa, ano-ano ang mga salitang magkaugnay?



Please answer it correctly
Auto report if wrong :)

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.