Questions


October 2022 1 7 Report
Mga Tauhan Ng "Ang Masamang Kalahi"

Story : Buhat nang mapatakbo ni Toniong Tandang si Tenoriong Talisain ay
humanap na ng ibang libutan at madaling nakapamayagpag na muli ang Talisain.
Ang mga Katyaw na leghorn doon ay madaling nasilaw sa balitang bilis at lakas ni
Tenoriong Talisain. At madali niyang naging kaibigan ang pinakamaganda sa
banyagang manok na si Lolitang Leghorn.
Tandaan
Pag-alam sa mga Natutuhan
7
Modyul sa Filipino 5
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
Isang araw ay galit na galit na umuwi si Denang Dumalaga. ”Naku!” ang
bulalas ng dumalaga. “Ako pala ay sinisiraan ni Tenoriong Talisain. Ako raw ay naging
kasintahan niya.” “Diyata’t?” ang bulalas din ni Aling Martang Manok. “At katakottakot na paninira raw laban sa mga kalahi ang ginagawa ng Talisaing iyan. Tayo raw
ay ikinahihiya niya. Masamang lahi raw tayo…” gayon din ang ikinagalit ni Toniong
Tandang nang siya’y dumating. “Napakasamang manok si Tnoriong Talisain “, ang
wika ng tandang.” Kangina’y nakita ko. Kung lumakad at magsalita’y ginagaya ang
mga leghorn.”
“Ang balita ko pa’y nagpasuklay ng balahibo upang maging mistulang leghorn
na. Nakapangnginig ng laman.” “Bayaan ninyo siya”, ang wika ni Aling Martang
Manok. “Pagsisihan din niya ang kaniyang ginawang iyan.”
Ilang araw, pagkatapos ay dumating si Toniong Tandang na kasama si
Tenoriong Talisain.Guso’t gusot na ang balahibo ng katyaw. Pilay pa ang isang paa,
pasa-pasa ang buong katawan at hindi halos makagulapay. ”Bakit ano ang nangyari
?”, tanong ng mga kalahing manok. “Iyan pala ay maluwa’t nang kinaiinisan ng mga
katyaw na Leghorn”, ang wika ni Toniong Tandang.
“Kangina’y nakita ko na lamang na pinagtutulungan ng apat na katyaw na
leghorn.” “Bakit hindi mo na lang pinabayaang mapatay?”, ang wika ng mga kalahing
manok. “Tayo rin lang ay ikinahihiya niya at itintakwil pa.” “Talaga nga sanang ibig ko
ng pabayaan”, ang wika ni Toniong Tandang.
“Ngunit hindi rin ako nakatiis. At talaga namang kung hindi ako sumaklolo’y
nasirang Tenoriong Talisain na siya ngayon.” “ Nakita mo na, Tenoriong Talisain!” ang
wika ni Aling Martang Manok. “Iyang kalahi, kahit masamain mo’y talagang hindi
makatiis.”

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.