Mga Tanong:
1. Ano ang nangyari sa pamilya ni Gilbert?
2. Kung ikaw si Gilbert, gagawin mo rin ba ang pagtanggi niya na magbenta
ng ipinagbabawal ng gamot? Bakit?
3. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Gilbert, ano ang gagawin mo? Ipaliwa-
nag
4. Sa kalagayan ni Gilbert, tama ba na sundin ang kasalukuyang batas?
Pangatwiranan.
Answers & Comments
Verified answer
Unang Katanungan: Ano ang nangyari sa pamilya nila?
Sagot: Naging mahirap ang buhay ng pamilya ni Gilbert dahil ang ama lang niya ang tanging inaaasahan nila sa pagtustos ng pangunahing pangangailangn nila. Naubos na rin ang bigay na ayuda sa kanila. Kung saan, wala na silang sapat na pera para makabili ng pagkain.
Ikalawang Katanungan: Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Gilbert?
Sagot: Opo dahil masamang gawa ang bagay na ito at hindi ito ang paraan upang makaraos at makakain ang pamilya ko. Hindi ko tatangkain man lang na pumasok sa ganitong sitwasyon sapagkat alam ko ang kahihinatnan nito sa buhay ko at maging sa pamilya ko.
Ikatlong Katanungan: Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Gilbert, ano ang gagawin mo?
Sagot: Dahil mahirap na talaga ang buhay at hindi na kaya kaming masuportahan, hihingi na ako ng tulong sa mga kamang-anak namin o kaya sa mga nasa awtoridad upang makaraos ang buhay. Iyon ang maaaring makakatulong kaysa magbenta ng ipinagbabawal na gamot. At hindi mababagabag ang konsensiya ko.
Ikaapat na Katanungan: Tama ba maging masunurin sa batas?
Sagot: Opo, dahil paraan ito ng pagpapasakop sa mga nakakataas ang awtoridad. Marami pang ibang paraan na maaaring gawin upang makakain at makahanap ng tulong. Kailangan ang pagsisikap at paggawa ng solusyon sa problema. Tiyak na mauunawaan naman tayo ng karamihan kung magpapasuporta tayo dahil sa sitwasyon na pandemic.
Magtungo pa at basahin ang link na ito para sa karagdagang impormasyon:
Ang pananaw hinggil sa kahirapan: brainly.ph/question/367131
Ang solusyon sa kahirapan: brainly.ph/question/2135419
#BrainlyEveryday