lhanggajeon
Answer:PARAAN NG PAGSULAT NG BALITA Matapos makalap ang mga tala ng tunay na pangyayari, maaaring sa tulong ng anim na tanong, dapat isulat agad ang balita. Narito ang ilang hakbang: 1. Itala ang pangyayari, unahin ang pinakamahalaga pababa. 2. Buuin sa sarili ang pamatnubay (lead), unahin ang pinakamahalaga sa anim na tanong. 3. Isulat ang pamatnubay na pangungusap. 4. Isulat ang katawan ng balita. Kalimitang dito itinatala ang mga detalye ng tatlo o apat na tanong, bago isinusunod ang detalye ng tanong na bakit-paano, o paano-bakit? Patnubay sa Pagsulat ng Balita1. Isulat agad ang balita pagkalikom ng mga tala. 2. Itampok ang pinakamahalaga. 3. Maging tumpak sa petsa. 4. Iwasan ang paliguy-ligoy na pagtatampok. 5. Banggitin ang pangalan o pinagmulan ng mga balita kung kinakailangan. 6. Isulat ang buong pangalan ng tao sa unang banggit. 7. Sumulat ng mga talataang iisahing pangungusap. 8. Iwasan ang pagsusunud-sunod ng mga talatang napakaikli. 9. Gawing maikli at payak ang mga pangungusap. 10. Paghiwalayin ang talataan ng tahasan at di-tahasang-sabi. 11. Ang haba ng balita ang nagpapasiya sa kawilihan ng mambabasa. 12. Kailangang ipakilala ang mga taong nabanggit. 13. Gumamit ng panuntunan ng paaralan.
Answers & Comments