Paraan upang maitama ko ang pagkakamali na nagawa ko:
Paghingi ng tawad at magsisi agad
Sikapin na gumawa ng mabuti at huwag ng ulitin ang nagawang mali
Patuloy na magbago kung nagkulang man ikaw sa iba at maging sa sarili mo
Ibalik ang nasirang tiwala at pagsikapan na patunayan ang sarili.
Paraan na magagawa ko upang hindi na ako makagawa ng mga malalaking pagkakamali sa aking buhay:
Palaging mananalangin at hihingi ng patnubay at pag-alalay ng Diyos
Magkaroon ng pagpipigil sa sarili na magawa o maulit ito
Humingi ng payo sa iba na malaking tulong sa atin
Magsikap ng husto na ituwid agad at huwag na itong gawin ulit
Paliwanag:
Ang mga pagkakamali natin na nagagawa sa ating buhay ay maaaring sa paraan na sinasadya o kaya naman hindi natin inaasahan na mali na pala. Baka hindi natin namamalayan na patuloy natin ginagawa ang pagkakamaling ito sa iba. Apektado nito ang takbo ng buhay natin sapagkat maaaring mabagabag tayo ng ating konsensiya sa masamang pagkilos na tinahak natin. Kaya mahalaga na magsikap tayo ng husto na gumawi ng kung ano ang nakakabuting gawin at sikapin na ituwid agad kung magkamali man tayo.
Hindi naman tayo perkpekto kaya minsan ay nagkakasala tayo sa iba at maging sa harap ng Diyos. Gawin nating ang buong makakaya na magsisi agad at humingi ng tawad sa lahat ng nagawa nating pagkakamali sa iba. Huwag natin hayaan na malamon ng masamang ugali ang puso at isipan natin dahil hindi nagdudulot ito magandang epekto sa paraan ng pamumuhay natin. Gumawi ng tama at isaisip kung ano ang pinakamabuting gawin para sa sarili natin at maging sa pakikisalamuha sa iba.
Magkaroon ng tunguhin na magbago ng personalidad kung kinakailangan. Ituwid agad ang sarili sa mga nagawang atraso. Hubugin nating sa tama ang pagkatao natin para magkaroon ng mapayapang kaisipan at kaugnayan sa Diyos at maging sa ating kapuwa.
Answers & Comments
Paraan upang maitama ko ang pagkakamali na nagawa ko:
Paraan na magagawa ko upang hindi na ako makagawa ng mga malalaking pagkakamali sa aking buhay:
Paliwanag:
Ang mga pagkakamali natin na nagagawa sa ating buhay ay maaaring sa paraan na sinasadya o kaya naman hindi natin inaasahan na mali na pala. Baka hindi natin namamalayan na patuloy natin ginagawa ang pagkakamaling ito sa iba. Apektado nito ang takbo ng buhay natin sapagkat maaaring mabagabag tayo ng ating konsensiya sa masamang pagkilos na tinahak natin. Kaya mahalaga na magsikap tayo ng husto na gumawi ng kung ano ang nakakabuting gawin at sikapin na ituwid agad kung magkamali man tayo.
Hindi naman tayo perkpekto kaya minsan ay nagkakasala tayo sa iba at maging sa harap ng Diyos. Gawin nating ang buong makakaya na magsisi agad at humingi ng tawad sa lahat ng nagawa nating pagkakamali sa iba. Huwag natin hayaan na malamon ng masamang ugali ang puso at isipan natin dahil hindi nagdudulot ito magandang epekto sa paraan ng pamumuhay natin. Gumawi ng tama at isaisip kung ano ang pinakamabuting gawin para sa sarili natin at maging sa pakikisalamuha sa iba.
Magkaroon ng tunguhin na magbago ng personalidad kung kinakailangan. Ituwid agad ang sarili sa mga nagawang atraso. Hubugin nating sa tama ang pagkatao natin para magkaroon ng mapayapang kaisipan at kaugnayan sa Diyos at maging sa ating kapuwa.
Para sa higit pang detalye, magtungo dito:
Ilan sa mga pagtutuwid sa nagawang mali: brainly.ph/question/9294996
Pagbabatikos dahil sa nagawang mali, paano ito haharapin: brainly.ph/question/2347465
Ang kahulugan ng salitang kasalanan: brainly.ph/question/2923231
#BrainlyEveryday