MGA PANG-UNANG LUNAS SA MGA KARANIWANG PINSALA AT KONDISYON 1. Sugat Ang Sugat ay karaniwang hindi nangangailangan ng dallang pagdadala sa ospital. Maaaring gawin ang mga eumusunod na pamamaraan: a. Hugasan ang mga kamay na nasugatan ng malinis na tubig at sabon. b. Pagpapatigil sa pagdurugo gamit ang malinis na tela o bulak. c. Linising mabuti ang sugat mas mainam na patagalin ang sabon sa loob ng sugat upang maiwasan ang mikrobyo, banlawang mabuti. d. Lagyan ng gamot o antibiotic. e. Takpan ang sugat ng bandage. 1. Palagiang palitan ang mga bandage ng sugat isang beses sa isang araw. Kung malalim ang sugat nangangailangan itong tahlin sa malapit na health center o ospital. 9. Surling mabuti ang sugat at palaging tingnan ang mga sintomas o palatandaan ng impeksiyon. Kung may impeksyon paturukan ng anti-tetanus ang pasyente. 2. Pagdurugo ng ilong Ang Balinguyngoy o Pagdurugo ng long ay isang karaniwang kondisyon na dapat mapigilan ang pagdaloy ng dugo at mapanatiling bukas ang hingahan. Maaaring gawin ang mga sumusunod: a. lupo ng tuwid at idikit ang likod ng pasyente sa sandalan ng upuan. Kinakailangan ito upang mabawasan ang presyon ng dugo sa veins ng ilong at maiwasan ang pagdaloy ng dugo pabalik saiyong katawan b. Pisilin ang ilong ng pasyente ng mga 10 minuto at pahingahin siya sa bibig habang ito ay isinasagawa. Kapag tumigil na ang pagdurugo ay maaari ng tanggalin ang pagkakapisil at linisin ang ilong ng maligamgam na tubig. c. Upang maiwasan ang muling pagdurugo iwasan ang pagsinga at huwag yumuko nangangailangan ang ganitong kondisyon na mapanatili na mas mataas ang iyong ulo kaysa salyong puso. d. Sa patuloy na pagdurugo gumamit nang nasal sprayer at dalhin siya sa clinic o sa ospital. 3. Kagat ng insekto Karamihang reaksiyon ng kagat ng insekto ay ang pamumula, pangangati at pagkairitable. a. Hugasan ang bahaging may kagat ng insekto ng sabon at maligamgam na tubig. b. Maglapat ng cool compress o kaya ay isang tela na may malamig na tubig o puno ng yelo. G. ilapat ang isang cream, gel o lotion sa bahaging nakagat upang maiwasan ang pang angati. Kung sa bahay maaari ka ding gumamit ng baking soda wala ka d. Para sa malaking sugat, lagyan ito ng gamot at takpan ng bandage.. e. Kung tuluyang lumala ito dalhin sa pinakamalapit ng health center o ospital. 4. Kagat ng Hayop Ang Kagat ng Karaniwang Hayop gaya ng aso ay hindi dapat ipagsawalang bahala dahil ito rin ay delikado sa ating katawan kaya dapat: a. Kung ang sugat ay mababaw lamang at walang rabbies, hugasan ang sugat ng may sabon at malinis na tubig, lagyan ng antibiotic at takpan ang sugat. b. Kung ang sugat naman ay malalim takpan ang sugat ng isang malinis na tela upang maampat ang dugo. talian ito at dalhin agad sa doktor. c. Kung may mapapansin kang palatandaan ng may impeksyon, tulad ng pamamaga, pamumula, nadagdagan ang sakit, dalhin kaagad sa pinakamalapit na health center o ospital. 5. Paso Nangangailangan ng agarang pansin ang isang pasyenteng napaso kung ito ay malubha at magdudulot sa pasyente ng iritableng pakiramdam at labis na sakit. a. Dagling ibabad ang napasong bahagi sa malamig na tubig sa loob ng 10 minuto upang maibsan ang sakit. b. Kung mayroong paltos, huwag itong tusukin. Panatilihin aong tuyo at malinis. Huwag hayaang maalikabukan o kaya ay dapuan ng langaw. c. Takpan ang may pinsalang bahagi ng malinis na damit. Planteahin muna ito bago gamitin. Kung malaking bahagi ng katawan ang napaso, daihin agad ang pasyente sa pinakamalapit na pagamutan ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.