Ang Hapon o Hapón o Nihon-koku na may kahulugang Estado ng Hapon ay isang bansang matatagpuan sa Silangang Asya.
"Land of the Cherry Blossoms
Kabisera: Tokyo
Uri ng Gobyerno: Constitutional monarchy
Mga tanim: Bigas (Rice), Asukal (sugar), Beets, Prutas (fruits)
Industriya: Electronic equipment, Auto machine tools, Chemicals
Mamamayan: Japanese
Wika: Japanese
Relihiyon: Buddhismo, Shintoismo
Kasaysayan
Ang pinakaunang tanda ng sibilisasyon ay nakita noong 10,000 BC sa kulturang Jomon, ito ay isang uri ng kulturang mangangaso, sila ay gumagamit ng mga kagamitang bato at buto upang gumawa ng mga paso na may kakaibang mga disenyo. Ang ilang halimbawa ng mga lumang natitirang mga paso sa daigdig ay matatagpuan sa Hapon.
Noong mga 300 BC, isang uri ng mga bagong tao, marahil ay galing sa kontinenteng Asya, ang mga Yayoi. Sila ang nagmarka ng mga bagong kasanayan tulad ng pagtatanim ng bigas, mga sinaunang uri ng pananahi, pagpapaamo sa mga kabayo at baka, at paggamit ng mga bakal at tanso bilang kagamitan. Ang kanilang kultura ay humalo sa unang kultura ng Jomon.
Ang pinakaunang naisulat na kasaysayan patungkol sa Hapon, ay ang Kojiki (Talaan ng mga Sinaunang mga Bagay, 712), at ang Nihon shoki, na naglalaman ng mga alamat tungkol sa mga pinagmulan ng mga Hapones at kung paano nabuo ang pundasyon ng estado hanggang sa isang mitolohiyang Hari Jimmu Tenno noong 660 BBC. Sinasabi na siya daw ay nagmula sa diyosa ng araw ng mga shinto na si Amaterasu. Sa mga Hapones, ang ang kanilang mga naging diyos ay mababait, matatalino at marangal. Isa pang alamat ang nagsasabi tungkol kay Emperatris Jingū, na sinasabing sumakop sa Korea
Heograpiya
Binubuo ang bansang Japan ng mga pulo, na ang apat na pinakamalaki ay Honshu, Kyushu, Shikoku, at Hokkaido. Ang Japan ay binubuo ng 3,000 mga isla. Karamihan sa mga isla dito ay mabundok, at ang iba ay may mga bulkan, kabilang na ang pinakamataas na bahagi ng bansa, ang Bundok Fuji. Ang Kalakhang Tokyo, kasama ang Tokyo at ang iba pang nakapalibot na prepektura, ay ang pinakamalaking metropolitanong lugar, na tinitirahan ng 30 milyong katao. May mga pagsasaliksik na nagsasabi na may mga taong nanirahan na sa mga isla ng Hapon noong panahon pa ng paleolitiko. Nakararanas ng apat na klima ang bansa: tag - sibol, tag - lagas, tag - init, at tag - lamig. Sa pagsukat sa heograpikong koordinata nito, ang Hapon ay 36 36° hilaga ng ekwador at 138° silangan ng Punong Meridyano. Ang bansa ay nasa hilagang-silangan ng Tsina at Taiwan (na ipinaghihiwalay ng Dagat Silangang Tsina) at babahagyang silangan ng Timog at Korea (na ipinaghihiwalay ng Dagat ng Hapon). Ang bansa ay nasa timog ng Kaduluhang Silangan ng Rusya. Ang Japan ay kasapi sa 'Nagkakaisang Bansa.'
Answers & Comments
Answer:
Japan