Mga karapatan at
Tungkulin ng Pamilya
Halimbawa:
Ang karapatan sa
paniniwala at pagpapahayag
ng pananampalataya at
pagpapalaganap nitoMga karapatan at
Tungkulin ng Pamilya
Halimbawa:
Ang karapatan sa
paniniwala at pagpapahayag
ng pananampalataya at
pagpapalaganap nito
Answers & Comments
Answer:
Ang sumusunod ang mga karapatan ng pamilya:
1. Ang karapatang umiral at magpatuloy bilang pamilya o ang karapatan ng lahat ng tao, mayaman man o mahirap, na magtatag ng pamilya at magkaroon ng sapat na panustos sa mga pangangailangan nito.
2. Ang karapatang isakatuparan ang kaniyang pananagutan sa pagpapalaganap ng buhay at pagtuturo sa mga anak.
3. Ang karapatan sa pagiging pribado ng buhay mag-asawa at buhay pamilya
4. Ang karapatan sa pagkakaroon ng katatagan ng bigkis at ng institusyon ng kasal
5. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito
6. Ang karapatang palakihin ang mga anak ayon sa mga tradisyon, pananampalataya, at
pagpapahalaga at kultura sa pamamagitan ng mga kailangang kagamitan, pamamaraan,
at institusyon
7. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan, pampolitikal, at
pang-ekonomiyang seguridad
8. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya
9. Ang karapatan upang makapagpahayag at katawanin (ng mambabatas o asosasyon), sa harap
ng mga namamahala o namumuno kaugnay ng mga usaping pang-ekonomiya,
panlipunan, o kultural
10. Ang karapatang magbuo ng asosasyon kasama ang ibang mga pamilya at samahan, upang
magampanan ng pamilya ang mga tungkulin nito ng mas karapat-dapat at madali
11. Ang karapatang mapangalagaan ang mga kabataan, sa pamamagitan ng mga institusyon at
batas, laban sa mapanirang droga, pornograpiya, alkoholismo, at iba pa
12. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na paglilibang, iyong nakatutulong sa pagpapatatag ng
mga pagpapahalagang pampamilya
13. Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay at kamatayan
14. Ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas mabuting pamumuhay
Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod, at nabibigyang-proteksyon sa lipunan, ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging ganap na tao sa pinakamabuting kapaligiran - isang kapaligirang nakatutulong sa paghubog ng mga birtud na dapat taglayin ng isang mapanagutang mamamayan sa lipunan.