1. PANG-ABAY Ano ang Pang-abay, Uri ng Pang-abay, at mga Halimbawa ng Pang-abay
2. Sa pahinang ito ay ating tatalakayin at iyong matututunan kung ano ang pang-abay, anu-ano ang mga uri nito at magbibigay din kami ng mga halimbawa ng pang-abay upang mas mabilis mong maunawaan ang araling ito. Ano ang Pang-abay? Ang pang-abay o adverb kung tawagin sa wikang Ingles ay mga salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Mga Halimbawa ng Pang-abay Narito ang ilan sa mga halimbawa ng pang-abay sa pangungusap. Hindi maikakaila ang kabutihang taglay ni Mary. Niyakap ko siya nang mahigpit. Pupunta ako bukas sa parke. Walong basong tubig ang iniinom ko araw-araw. Tila mahina na si Ka Pedring. Talagang hanga ako sa galing mong umawit. Mula ngayon ay kakain na ako ng gulay. Nagpaluto ako ng biko kay Aling Marta. Kailan po ang balik ninyo? Uuwi ako mamayang gabi. Mga Uri ng Pang-abay May 17 uri ng pang-abay: ang pang-abay na pamanahon, panlunan, pamaraan, pang-agam, ingklitik, benepaktibo, kusatibo, kondisyonal, pamitagan, panulad, pananggi, panggaano, panang-ayon, panturing, pananong, panunuran, at pangkaukulan. 1. Pamanahon Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa sa pangungusap. May tatlong uri ang pang-abay na pamanahon: ang may pananda, ang walang pananda, at ang nagsasaad ng dalas. A. Pamanahong may Pananda Ito ay ginagamitan ng mga panandang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, o hanggang. Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon na may Pananda Iba ang panahon noon. Umpisa bukas ay gigising ako ng maaga. 2 noypi.com.ph/pang-abay
3. Naaalala ko ang aking kamusmusan tuwing umuuwi ako sa probinsya. Kapag Mayo ay dinadalaw ko ang aking Lola. Kung araw ng Linggo lang ako ay pumupunta sa simbahan. B. Pamanahong Walang Pananda Ito ay ginagamitan ng mga panandang kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, atbp. Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon na walang Pananda Pupunta kami bukas sa palengke. Kunin mo mamaya ang telang ipinatago ko sa’yo. Sandali na lang at magsisimula na ang palabas. Si Alden ay kanina pa naghihintay kay Maine. Kahapon ka sana umuwi dito. C. Pamanahong Nagsasaad ng Dalas Ito ay ginagamitan ng mga salitang nagsasaad ng dalas. Halimbawa nito ay ang mga salitang araw-araw, taun-taon, tuwing, oras-oras, linggo-linggo, atbp. Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon na Nagsasaad ng Dalas Magsipilyo ka araw-araw. Pumupunta kami sa Japan taun-taon. Oras-oras ay inaabangan mo ang pagbabalik niya. Linggo-linggo kami naliligo sa talon. Tuwing Byernes ay maaga akong gumigising. 2. Panlunan Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa pook o lugar na pinangyarihan, pinangyayarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Ilan sa mga panandang ginagamit dito ay ang mga salitang sa, kina, o kay. Mga Dapat Tandaan: Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip. Kay o Kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao. Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panlunan sa Pangungusap May nakita akong masarap na ulam sa karinderya. Ang aking bahay ay malapit sa simbahan. Pupunta ako kina Mang Tomas bukas. Pakikuha mo kay Cherry ang aking kaldero.
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
sana makatulong