Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging matulungin sa kapwa kahit hindi kilala. Ang pagiging masayahin, palagiang pagngiti at pagiging positibo sa buhay ay kilala rin. Tayo ay magiliw sa mga pangunahin at tinatanggap natin sila ng malugod. Relihiyoso tayong mga Pilipino, mayroong malalakas na pananampalataya sa Diyos.
TRADISYON/KAUGALIAN
Pagtitiwala sa Maykapal- Malaki ang ating tiwala sa Poong Maykapal. Naniniwala tayo sa mga biyaya at patnubay ng ating Panginoon. Nagpapasalamat tayo sa mga biyayang Kanyang ibinibigay araw-araw. Nagdarasal tayo na pangalagaan Niya tayo.
Pagbubuklod ng mag-anak- Malapit sa isa't isa ang bawat kasapi ng mag-anak na Pilipino. Matibay ang pagbubuklod-buklod ng ating pamilya. Madalas dumalaw ang mga anak sa mga magulang kahit na nag-asawa na sila.
Pagkamatulungin- Ang bayanihan o palusong ang tawag na iba rito. Ang pagtutulungang ito ay isang katangi-tanging ugali natin. Nakatutulong ito sa pag-unlad ng ating pamumuhay. Sama-sama tayong nagtutulungan sa pagtatanim upang maging masagana ang ating ani.
Paggalang- Ang bawat tao ay ating iginagalang anuman ang katayuan niya sa buhay. Siya ay ating pinakikitunguhang mabuti. Katulad nalang ng mga matatanda, nagmamano tayo sa kanila. Gumagamit tayo ng mga magagalang na salita gaya ng po at opo. Gumagamit tayo ng mga magagalang na pantawag tulad ng ate, kuya, manong o manang.
Malugod na pagtanggap ng bisita- Ang ating pagpapahalaga sa ating kapwa ay nakikita rin sa ating mabuting pagtanggap sa mga bisita. Ibig nating masiyahan sila. Pinapakain natin sila ng meryenda o anumang pagkaing ating naihahanda. Kung sila'y galing sa malayong lugar, inaanyayahan natin silang matulog sa ating tahanan. Minsan, nagpapadala pa tayo ng mga regalo o pabaon bago sila umalis.
Pag-alala sa mga yumao- Ang pag-alala sa mga yumao na mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagpapadasal sa kanila ay nakaugalian na rin at marami pang iba
Answers & Comments
Answer:
1. Pagmamano sa nakakatanda
2.pamamanhikan- isinasagawa kapag ang babar at lalaki ay nagkasundong magpakasal.
3. Harana- isinasagawa sa gabi mula sa labas ng tahanan ng taong pinararangalan o nililigawan.
4.Bayanihan-Samahan na kung saan sama samang nagtutulungan ang mga magkakapitbahay o magkakaibigan.
5.Piyesta-ginagawa upang ipagdiriwang ang araw ng lalawigan, nayon o kahit pa bagay.
Explanation: