Mga Hakbang at Panuntunan sa Pagsasagawa ng Makatotohanan at
Mapanghikayat na Proyektong Panturismo
1. Pananaliksik at Pagsulat ng Nilalaman ng Travel Brochure
Napakahalaga ang nilalaman ng travel brochure dahil ito ang
hihimok sa mga turista mapa-dayuhan man o lokal na bisita upang
pasyalan ang lugar. Upang matugunan ang nilalaman ng proyekto,
kailangang magsaliksik at magbasa sa internet, sa mga aklat,
magasin, at iba pang babasahin na maaaring paghanguan ng mga
impormasyon. Kinakailangan din isa-alang-alang ang mga
sumusunod:
a.
Anong uri ng turista ang target ng travel brochure?
Sila ba ay mga kabataang mahilig sa adventure?
b. Sila ba ay mga backpacker na may limitadong budget?
c. Sila ba ay mga mag-aaral na gusto ang educational fieldtrip?
d. Sila ba ay mga pamilyang may mga anak?
Sila ba ay mga nakatatanda o retiradong nais ng tahimik na bakasyon?
Kapag alam na ang uri ng turistang nais hikayatin, saka ipagpapatuloy ang
pananaliksik at bigyang-diin ang pinakamahahalagang bagay tungkol sa lugar na
aakit sa target na turista.
Maging maingat sa mga ilalagay na salita sa brochure. Dapat na payak at
malinaw upang madaling intindihin ng mga turista. Ilagay lamang ang
pinakamahahalagang detalye. Hindi makabubuti kung masyadong mahaba dahil
mababagot lamang ang mga babasa nito.
9
Answers & Comments
Answer:
1d. or A. yan lang po thanks
Explanation:
yan po