MGA GAWAIN SA SINING
Ang Pistang Panagbenga o Baguio Flower Festival ay ang taunang kapistahan
sa lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ang salitang
Panagbenga ay may kahulugang Panahon ng pagyabong panahon ng
pamumulaklak" Sa selebrasyong ito makikita ang mga magarbong kaayusan ng
bulaklak, sayawan sa kalye eksibit ng bulaklak, paglilibot sa hardin at paligsahan ng
pagaayos ng bulaklak
GAWAIN 1. Aalamin ko!
Maghanap o magtanong sa mga kapatid o magulang ng iba pang pista o
selebrasyon at isulat sa ibaba ang pista at ang kahalagahan ng pagdiriwang na ito.
Answers & Comments
CARACOL FESTIVAL Ang Caracol Festival ay isa sa mga pinakamakulay na pagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay ipinagdiriwang ng Lungsod Makati tuwing ikatlong linggo ng Enero ng taon. Ang pagdiriwang ay isang bersyon ng pagdiriwang ng Mardi Gras. Ilan sa mga highlight ng pagdiriwang ay ang iba't-ibang street dancing na may makukulay na 'costume na sinasalihan ng mga estudyante ng pampublikong paaralan ng Makati. Ang karaniwang tema ng mga presentasyon, magmula sa mga kasuotan at mga materyales na ginagamit, ay ang pagprotekta at pangangalaga sa kalikasan. Iba't-ibang makukulay na kasuotan ang tampok sa pagdiriwang na nagpapakita ng elemento ng kapaligiran gaya ng bulaklak, bunga, mga puno, at mga hayop.
BINIRAY FESTIVAL Ang Biniray Festival ay isa sa mga tampok na pagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay ipinagdiriwang ng mga taga-Romblon tuwing ikalawang linggo ng Enero ng taon bilang pagpupugay sa Señor Santo Niño na kahalintulad sa pagdiriwang ng Sinulog Festival ng Cebu. Sa isang banda, ito ay nagpapakita ng taimtim na pananampalataya ng mga taga-Romblon sa relihiyong Katoliko. Lubhang makulay at masaya ang pagdiriwang ng Biniray Festival kung saan tampok ang ibat-ibang presentasyon ng mga sayaw at awit. Isa sa mga inaabangan sa pagdiriwang ito ay ang tinatawag na flotilla of vessels na gumugunita sa pagtatangka ng mga Kastila na itakas ang imahe ng Santo Niño mula sa bayan ng Romblon.
DINAGYANG FESTIVAL Ang Dinagyang Festival ay isang relihiyoso at kultural na pagdiriwang na ginaganap sa lungsod ng Iloilo tuwing ikatlong linggo ng Enero o pagkatapos ng Sinulog sa Cebu at Ati-Atihan sa Aklan. Ginagawa ito bilang pagdiriwang sa pista ng Santo Niño at para na rin sa pagdating ng mga Malay sa Panay na nagdala ng ita sa lugar. Simula ng ito ay gawing taunang selebrasyon, marami ang nakapansin sa pagdiriwang at nabigyan ito ng National Commission for the Culture and the Arts ng karangalan bilang Festival of Excellent Folk Choreography.
PISTA NG PANAGBENGA Ang Pista ng Panagbenga o ang Baguio Flower Festival ay ang taunang kapistahan sa Lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.