Mga dating batas, kautusang tagapagpaganap. proklamasyon, kautusang pangkagawaran, memorandum sirkular,at Iba pa na may implementasyon pa rin sa kasalukuyan.
NAG-AATAS NA MAGDAOS NG PALATUNTUNAN SA PAGDIRIWANG NG LINGGO NG WIKANG PAMBANSA.
Itinadhana ng Proklamasyon Blg. 186, serye 1995, na ang taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay Agosto 13-19.
Ang wikang Pambansa ay mahalagang sangkap ng tunay na diwang makabayan, at ito’y kailangan sa pagbubunsod sa mga mamamayan tungo sa napagbuong pambansang pagbabago.
Dahil dito, ang lahat ng pinuno ng mga kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaang nasyonal at lokal, sampu ng mga korporasyong pag-aari o kontrolado ng pamahalaan, ay inaatasang magdaos ng palatuntunan sa Pilipino, kahit tatlumpung (30) sandal man lamang, sa alinmang araw na napapaloob sa linggo ng pagdiriwang, na kaugnay sa paksang “Magkaisa sa Pagbabago.” Ang mga pinuno’t kawani ng pamahalaan ay kailangang manguna sa pagdaraos ng maikling palatuntunan sa mga pinaglilingkurang tanggapan.
Answers & Comments
Answer:
MEMORANDUM SIKULAR BLG. 368