joshuafarinas
Tinyente Guevarra Siya ay isang nakakatandang Gwardya Sibil na lubos na rumerespeto sa pamilya ng mga Ibarra. Ibinunyag niya kay Crisostomo kung paano nakulong ang kanyang ama na si Don Rafael dahil siya ay nabansagang erehe at pilibustero.
joshuafarinas
Donya Victorina Si Donya Victorina ay isang pilipinong babae na nakapangasawa ng isang Espanyol na nag-ngangalang Don Tiburcio.
joshuafarinas
Don Tiburcio Si Doctor Tiburcio de Espadaña ay isang Espanyol na nang-gagamot ng mga tao kahit hindi naman isang tunay na doctor. Bagamat walang sapat na kaalaman sa medisina, sinisingil niya ang kanyang mga pasyenteng ng napakataas na bayad. Akala ng maraming tao na tunay siyang doctor dahil sa kanyang mataas na singil
joshuafarinas
Basilio Siya ang nakakatandang kapatid ni Crispin. Tulad ng kanyang kapatid, nagsasanay rin siya upang maging sakristan. Sinubukan niyang hanapin ang kanyang kapatid matapos iton kaladkarin ng punong maestro ng mga sakristan.
joshuafarinas
Crisostomo Ibarra Si Ibarra ay isa sa mga pangunahing tauhan sa nobela. Siya ang nag-iisang anak at tagapag-mana ni Don Rafael Ibarra. Dahil siya ay nagmula sa mayamang pamilya, nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-aral sa Europa. Matapos ang kanyang pamamalagi sa Europa, siya ay nagpasyang umuwi.
joshuafarinas
Maria Clara Si Maria Clara ay ang pinakamamahal na babae ni Ibarra. Siya ay itinuturing na pinakaganda sa buong bayan. Kilala rin ang dalaga sa kanyang angking kayumian. Sa mga unang kabanata, ipinakita na si Maria Clara ay ang nag-iisang anak ni Kapitan Tiago at Donya Pia Alba. Ngunit nang naglaon, ibinunyag niya kay Ibarra na siya ay anak ni Padre Damaso.
joshuafarinas
Kapitan Tiago Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago ay isang kilalang Pilipinong elitista. Dahil sa kanyang mataas na posisyon sa lipunan, malapit siya sa mga Pransiskanong prayle na sina Padre Salvi at Padre Damaso.
joshuafarinas
Padre Salvi Si Padre Salvi ay isa mga Pransiskanong prayle na namumuno sa San Diego. Siya ay kilala bilang isang mapaglinlang na pari na ginagamit ang kanyang posisyon sa lipunan upang mapalakas ang kanyang impluwensya sa buong bayan. Mayroon siyang lihim na pagtingin kay Maria Clara kaya gumawa siya ng paraan upang masira ang reputasyon ni Ibarra. Si Padre Salvi ang nag-organisa ng rebelyon laban sa mga Gwardya Sibil at pinaniwala ang mga kinauukulan na si Ibarra ang nasa likod nito.
joshuafarinas
Padre Damaso Kilala si Padre Damaso na isang arroganteng at malupit pari na hindi marunong magsalita ng Filipino kahit pa matagal na siyang naninirahan at nakikinig sa mga kumpisal ng mga taga San Diego.
joshuafarinas
Pilosopong Tasyo Si Tandang Tasyo o Don Anastasio ay isa sa mga karakter na kumakampi kay Ibarra. Kilala siya sa kanyang kakaibang pananaw sa mundo. Siya ang sumisimbolo sa mga taong walang pakialam sa iniisip ng iba. Sa kasamaang palad, dahil mas gusto niyang mapag-isa, namatay siyang walang kasama.
Answers & Comments
sa comment kopo ilalagay ang sagot
Siya ay isang nakakatandang Gwardya Sibil na lubos na rumerespeto sa pamilya ng mga Ibarra. Ibinunyag niya kay Crisostomo kung paano nakulong ang kanyang ama na si Don Rafael dahil siya ay nabansagang erehe at pilibustero.
Si Donya Victorina ay isang pilipinong babae na nakapangasawa ng isang Espanyol na nag-ngangalang Don Tiburcio.
Si Doctor Tiburcio de Espadaña ay isang Espanyol na nang-gagamot ng mga tao kahit hindi naman isang tunay na doctor. Bagamat walang sapat na kaalaman sa medisina, sinisingil niya ang kanyang mga pasyenteng ng napakataas na bayad. Akala ng maraming tao na tunay siyang doctor dahil sa kanyang mataas na singil
Siya ang nakakatandang kapatid ni Crispin. Tulad ng kanyang kapatid, nagsasanay rin siya upang maging sakristan. Sinubukan niyang hanapin ang kanyang kapatid matapos iton kaladkarin ng punong maestro ng mga sakristan.
Si Ibarra ay isa sa mga pangunahing tauhan sa nobela. Siya ang nag-iisang anak at tagapag-mana ni Don Rafael Ibarra. Dahil siya ay nagmula sa mayamang pamilya, nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-aral sa Europa. Matapos ang kanyang pamamalagi sa Europa, siya ay nagpasyang umuwi.
Si Maria Clara ay ang pinakamamahal na babae ni Ibarra. Siya ay itinuturing na pinakaganda sa buong bayan. Kilala rin ang dalaga sa kanyang angking kayumian. Sa mga unang kabanata, ipinakita na si Maria Clara ay ang nag-iisang anak ni Kapitan Tiago at Donya Pia Alba. Ngunit nang naglaon, ibinunyag niya kay Ibarra na siya ay anak ni Padre Damaso.
Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago ay isang kilalang Pilipinong elitista. Dahil sa kanyang mataas na posisyon sa lipunan, malapit siya sa mga Pransiskanong prayle na sina Padre Salvi at Padre Damaso.
Si Padre Salvi ay isa mga Pransiskanong prayle na namumuno sa San Diego. Siya ay kilala bilang isang mapaglinlang na pari na ginagamit ang kanyang posisyon sa lipunan upang mapalakas ang kanyang impluwensya sa buong bayan. Mayroon siyang lihim na pagtingin kay Maria Clara kaya gumawa siya ng paraan upang masira ang reputasyon ni Ibarra. Si Padre Salvi ang nag-organisa ng rebelyon laban sa mga Gwardya Sibil at pinaniwala ang mga kinauukulan na si Ibarra ang nasa likod nito.
Kilala si Padre Damaso na isang arroganteng at malupit pari na hindi marunong magsalita ng Filipino kahit pa matagal na siyang naninirahan at nakikinig sa mga kumpisal ng mga taga San Diego.
Si Tandang Tasyo o Don Anastasio ay isa sa mga karakter na kumakampi kay Ibarra. Kilala siya sa kanyang kakaibang pananaw sa mundo. Siya ang sumisimbolo sa mga taong walang pakialam sa iniisip ng iba. Sa kasamaang palad, dahil mas gusto niyang mapag-isa, namatay siyang walang kasama.