Questions


September 2022 1 4 Report
MF'S

B.PAGSASANAY
GAWAIN 1

Panuto: Tukuyin kung panimula, Gitna o Wakas ang mga sumusunod
na bahagi mula sa mga sipi ng mga akda. Isulat ang p kung Panimula, G kung Gitna at W kung Wakas sa sagutang papel.

1. Nang ang kawani ng hukumang pinapasukan niya ay mapalitan ng
isang Kastila, si Mabini ay itiniwalag. Ang kaawa-awa ay wala ngayong
maipang-agdong-buhay. Sa kabutihang palad, siya ay nagtamo ng pinakamataas na nota sa isang eksamen kaya't nakapagtrabaho siya sa Interdencia General.

(Mula sa "Ang Karukhaan ay Hindi Isang Hadlang" ni Josefina R. Serion)

2. Isang araw, nang si Gusting ay hindi dumating sa palengke para sa
tanghalian nila, buong pananabik na kinausap siya ng isa nilang kaibigan na ang hanapbuhay ay ang pagtitinda ng tiket ng suwipistik.

(Mula sa "Ang Nanalo sa Suwipistik" ni Celso Al. Carunungan)

3. Noon ay kataimtimang minamalas ni Impong Sela ang kanyang lalabing- animing taong apong lalaki sa pagkakahigang walang katinag-tinag. Sa ilalim ng maputing kumot, ang kanyang apong nakatihaya ay matuwid na matuwid na katulad ng isang bangkay, walang kakilus-kilos maliban,
marahil, sa maminsan-minsang pagkibot ng mga labing nanunuyo at halos kasimputla na ng isperma.

(Mula sa "Impong Sela" ni Epifanio G. Matute)

4. Ngunit parang huling paalaala sa mga marurunong ng ating
kapanahunan, dapat sabihin dito sa lahat ng nagbigay ng aginaldo,
ang dalawang ito ay siyang pinakamarunong. Sa lahat ng nagbigay at tumanggap ng aginaldo, sila ang pinakamarunong. Sila ang pinakamarunong sa lahat ng dako. Sila ang mga Mago.

(Mula sa "Ang Aginaldo ng mga Mago" ni O. Henry salin ni Rufino Alejandro)

5. Kinabukasan nang magsimba sila ng lola niya, inungutan niyang ibili siya ng isang lobo ng matanda. At palihim, itinali niya sa pisi ng lobo ang sulat niya kay Jesus Christ, at pinawalan niya ang lobo, asang-asa sa sariling makararating nga iyon kay Jesus.

(Mula sa "Dir Jesus" ni Rudy A. Santos)

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.