MELC: Nalisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa napakinggang mga pahayag. Panuto: Piliin sa kahon ang hinihingi sa bawat pahayag. Ilagay sa patlang ang sagot. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik Pagwawasto at Pagrebisa ng Burador Pagsulat ng Burador o Rough Draft Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o Final Outline Pangangalap-tala o Note Taking Alamin o Piliin ang paksa Paghahanda ng Tentatibong Balangkas Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi Paglalahad ng Layunin 1. Kung walang tiyak na paksang sasaliksikin siguraduhing ang pipiliing paksa ay naaayon sa iyong interes, may mga materyales na mapagkukunan at yaong mayroon kang malawak na kaalaman. 2. Isa-isahin ang iyong dahilan o layunin kung bakit nals isagawa ang pananaliksik. 3. Ang bibliyograpi ay talaan ng iba't ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin at iba pang nalathalang materyal Maaari ring gamitin ang internet 4. Makatutulong ito para sa mas mabilis na pananaliksik dahil ito ang magbibigay ng direksiyon at magsisilbing patnubay mo sa pagbabasa at pangangalap ng mga tala. 5. Sa paghahanap ng tala ay iminumungkahing gumamit ng index card. Hatiin sa tatlo ang mga talang nakuha-lagom, tuwirang sipi at hawig. 6. Sa bahaging ito planuhin at isiping mabuti ang kabuoang pananaliksik na gagawin. 7. Tuloy-tuloy na isulat ang mga kaisipang dumadaloy sa isip. Huwag munang bigyang-diin ang mga maling pangungusap 8. Sa bahaging ito ay bigyang-pansin ang nilalaman at paraan ng pagsulat gayon din ang baybay, wastong bantas at wastong gamit ng mga salita 9. Isulat ang pinal na pananaliksik batay sa pormat na ibinigay ng guro.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.