Questions


September 2022 2 3 Report
a. may lubos na pananagutan

b. may kabawasan ngunit hindi nawawala ang pananagutan

c. walang pananagutan

d. mapapanagot/ may pananagutan



1. Sa kamangmangan na hindi madaraig, walang posibleng paraan upang malaman ang isang bagay sa sariling kakayahan o sa kakayahan man ng iba. Kung walang paraan upang maitama ang kamangmangan tulad halimbawa ng gawa ng isang taong wala sa matinong pag-iisip, ang isang gawa ay hindi itinuturing na makataong kilos at ____ sa bahagi ng gumawa.

2. Sa kamangmangang madaraig, na ang kamangmangan ay kayang baguhin sa pamagitan ng isang masikap na paraan na alamin ang isang bagay bago gawin, ____ dahil sa kaunting kakulangan sa pagsisikap na malabanan ang kamangmangan.

3. Ang masidhing damdamin o passion ay normal na damdamin subalit ang tao ay ____ upang pangasiwaan ang kaniyang emosyon at damdamin dahil kung hindi, ang mga emosyon at damdaming ito ang mangangasiwa sa tao.

4. Ang masidhing damdamin na nauuna (antecedent) ay damdamin na nadarama o napupukaw kahit hindi niloob o sinadya. Ito ay umiiral na bago pa man gawin ang isang kilos. Ang kilos sa ilalim ng damdaming ito ay hindi Malaya kaya ito ay kilos ng tao (act of man). Ang naunang damdamin (antecedent) ay ____ sapagka’t ito ay nakabatay sa kaalaman at kalayaan. Naaapektuhan ng damdaming nauuna (antecedent) ang isip kaya’t naaapektuhan nito ang paghuhusga at pagpapasiya.

5. Ang masidhing damdamin na nahuhuli (consequent) ay damdaming sinadyang mapukaw at inalagaan kaya ang kilos ay sinadya, niloob, at may pagkukusa. Ito ay ang pagkakaroon ng panahon na alagaan ang damdamin at ginagamit na dahilan o paraan sa ikinikilos katulad ng galit na kinimkim at naging dahilan sa paghihiganti na kung saan ang may gawa ay ____. Bago pa isagawa ang kilos ay dapat na magkaroon ng panahon upang labanan nang mas mataas na antas na kakayahan – ang isip – upang mawala ang sidhi ng damdamin.

6. Nasaksihan mo ang isang pambubulas ( bullying). Dahil takot ka sa mga sigang mag-aaral, pinili mo na lamang na manahimik sa pag-usisa ng guro dahil sa takot sa pangyayaring nakita mo. ___ mo sa ginawa mong pagsisinungaling sa sitwasyong ito dahil malinaw pa rin sa isip ang ginagawa mo.

7. Ngunit kung ang takot ay makapagdadala sa isang tao ng pansamantalang kaguluhan ng isip at mawala ang kakayahang makapag-isip nang wasto, ___ ang taong ito sa kaniyang ginawang kilos.

8. Kung pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa dulot ng panlabas na puwersa, maaaring ___ ang kilos o gawa na may impluwensiya ng karahasan. Ito ay kung nagkaroon ng sapat na paraan para labanan ang karahasan subalit nauwi sa wala at mas nasunod ang kalooban ng labas na puwersa. Pero tandaan na kailangan mo munang mag-isip ng paraan para maiwasan ito.

9. Kung ang isang gawa o kilos ay nakasanayan na, ____ ng taong nagsasagawa ng nasabing kilos, dahil ang isang gawi bago nakasanayan ay nagsimula muna bilang isang kilos na may kapanagutan at pagkukusa sa taong gumagawa.

10. Halimbawa ng gawi ay ang pagmumura na naging pang-araw-araw na ekspresyon ng isang tao. ____ dahil nagsimula ito bilang kusang pagsasalita nang hindi maganda at nakasanayan na lamang.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.