Questions


October 2022 1 8 Report
May mga pasilidad ang paaralan na makatulong sa mga mag-aaral upang higit na matuto ng mga aralin at maging kasiyasiya ang pag-aaral sa paaralan. Ang mga pasilidad na ito ay ang silid-aralan, silid-aklatan, palikuran o banyo, palaruan, kantina at iba pa. Ang pagtatayo nito ay pinaguukulan ng badget mula sa local at pambansang pamahalaan o mula sa tulong ng mga magulang at iba’t ibang samahan. Kung gayon, nararapat lamang na ayusin ang paggamit nito. Ang tamang paggamit mo ng mga pasilidad ay isang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa kapwa. Pagkatapos na magamit mo alinman sa mga pasilidad na ito, nararapat na isipin ang susunod na gagamit sa iyo. Ang maayos at tamang paggamit mo nito ay makatulong rin upang tumagal ito at nang sa gayon ay magamit pa ng mga mag-aaral sa mga susunod na taong panuruan. Upang mapanatiling malinis ang mga pasilidad ng paaralan, nararapat na isabuhay. Bukod rito, nararapat ding sundin ang mga babala na nakapaskil sa bawat pasilidad. Halimbawa nito ay ang babalang, “Itapon ang basura sa basurahan”. hindi sa kung saansaan. Ang basura ay isa sa mga nagiging dahilan ng pagkaluma at pagkasira ng mga pasilidad. Ang itsura o larawan ng pasilidad pagkatapos na ginamit mo, ay repleksiyon ng iyong pagkatao. Pagkatapos ng paggamit mo, ang mahalagang tanong sa iyong sarili ay, naglinis ba ko? 1. Anu ano ang mga pasilidad ng paaralan ang makikita sa kuwento? * 2. Saan nanggagaling ang badget sa pagpapatayo ng iba’t ibangpasilidadngpaaralan? *
3. Sino ang dapat mangalaga sa mga nasabing pasilidad? * 4. Anu ano ang mga nababasang mga babala para makatulong sa pangangalaga ngmga pasilidad? * 5. Paano ang pangngalaga sa iba’t ibang pasilidad sa paaralan? *

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.