Ang ibig sabihin ng kasabihang ito ay may kinalaman sa pagiging matipid o masinop dahil kapag ang ikaw ay may itinira o itinabi tulad ng pera, sa panahon ng kagipitan at nangailangan ka, maari mong makuha at magamit ito.
Napakahalaga ng pagiging masinop at matipid dahil sa panahon na nangailangan ka, mayroon kang magagamit kaya dapat maging wais tayo sa paggastos, unahin natin ang ating mga pangunahing pangangailangan bago ang ating mga pansariling kagustuhan.
Kasabihan
Ang kasabihan na tinatawag na "saying" sa Ingles ay tumutukoy sa mga pangungusap na madalas nagpapakita ng magandang aral para sa mga tao. Ito ay mabisa ring gamitin pangturo sa mga bata ng magandang aral at ng mga realidad sa buhay.
Iba halimbawa ng kasabihan at ang kanilang kahulugan
1. Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
Kapag gumagawa ka ng mabuti, kailanma’y hindi ka matatakot mamatay at husgahan sa kabilang buhay.
2. Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan.
Nasusukat ang pagkakaibigan hindi lang sa ligaya kung hindi ay pati sa kalungkutan.
3. Walang mahirap na gawa kapag dinaan sa tiyaga.
Kahit anong gawain ay matatapos o malalampasan kapag ikaw ay matiyaga.
4. Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin.
Kung ano ang iyong ginagawa ay siya rin ang gagawin sa’yo. Kapag ito ay kabutihan, ikaw rin ay makakatanggap ng kabutihan o gagawan ng mabuti ng ibang tao.
5. Ang batang hindi nagsasabi ng katotohanan ay hindi maaasahan.
Tunay na hindi ka makaasa sa bata man o sa matanda na hindi nagsasabi ng katotohanan.
6. Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli.
Kapag mabuti ang iyong kalooban, tiyak na ikaw ay pagkakalooban ng masaganang pamumuhay
7. Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
Sa buhay, mahalaga ang magsumikap lalong-lalo na kung ikaw ay ipinanganak na hindi mayaman.
8. Ang katotohanan ang magpapalaya sa may kasalanan.
Kapag ikaw ay may kasalanan, sabihin mo ang totoo sapagkat ito lang ang magpapalaya sa'yo.
9. Ang batang malinis sa katawan, ay malayo sa karamdaman.
Ito ay literal na nagsasabing ang paglilinis sa ating mga katawan ay isa sa mga paraan upang tayo’s mapalayo sa mga sakit at maging malusog.
10. Ang kayamanan na galing sa kasamaan, kapahamakan ang maidudulot.
Kapag hindi galing sa mabuti ang iyong pera, ikaw ay talagang sisingilin sa anong paraan man.
Answers & Comments
Answer:
"Ang may isinuksok may madudukot"