May isang mayamang ama na may dalawang anak. Ang bunsong
anak ay nagsabi sa ama ng ganito, “Ama, ibigay mo na sa akin ang aking
mana!”
Hinati ng ama ang kanyang kabuhayan at ibinigay ang kalahati sa
bunsong anak. Wala siyang magawa sa matigas ang loob na anak. Nang
makuha ng bunso ang kanyang mana, naglayas siya at nagpunta sa
mala
Doon ay ginastos nang walang habas sa rangya at luho ang kanyang
mana. Nang maubos ang kanyang minana, nagkaroon ng tag-hirap sa
pinuntahang lugar. Ang bunsong anak ay namasukan bilang tagapakain
ng mga baboy. Naranasan ang lahat ng hirap. Kung minsan ang tirang
pagkain ng baboy ang kinakain niya. Para siyang pulubi. Gusgusin ang
damit at walang sapin sa paa.
Naalala niya na sa bahay ng kanyang ama masasarap ang kinakain
ng mga alipin. Nagpasiya siya na bumalik sa kanyang ama. Humingi siya
ng tawad. “Ako’y di na karapat-dapat bilang iyong anak. Ama, gawin mo na
lang po ako bilang isa sa iyong mga alipin.”
Subalit inutusan ng ama ang kanyang mga tagapamahala. “Kumuha
ng magandang damit at bihisan ang aking anak. Lagyan ng singsing ang
kanyang daliri. Suotan ng sandalyas ang kanyang mga paa. Katayin ang
pinakamalusog na batang baka. Ipagdiwang natin ang pagdating ng aking
anak!”
Nang dumating ang panganay na anak mula sa bukid nagtaka siya
sa ginagawang paghahanda. Ang sabi niya sa kanyang ama, “Ako Ama ay
hindi sumuway sa mga utos mo. Sa lahat ng pagkakataon pinagsilbihan
kita. Kapag nagdiriwang ako at mga kaibigan ko kambing lang ang
ipinakakatay mo. Ngayon na dumating ang anak na naging suwail sa iyo,
nagwaldas ng iyong mga ipinamana ipinaghanda mo pa siya nang
marangya.”
Nagpaliwanag ang ama, “Ipinagdiriwang natin ang pagdating ng
iyong kapatid dahil namatay na siya at muli pang nabuhay! Nawala na siya
ngunit ngayo’y muling nagbalik! Nararapat lang na tayo ay magsaya at
magdiwang!”
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sagutin ang sumusunod na tanong.
Gawin ito sa inyong sagutang papel.
1. Paaano inubos ng bunsong anak ang kanyang minana?
2. Bakit lubos ang kasiyahan nang ama?
3. Ano ang naging reaksyon nang panganay matapos umalis ang kanyang
bunsong kapatid?
PIVOT 4A CALABARZON
11 PIVOT 4A CALABARZON
4. Bakit bumalik ang bunsong anak sa kanyang ama?
6. Paano mo ipapaliwanag ang aral na natutunan mo sa kuwento?
7. Sino sa dalawang anak sa kuwento ang nagustuhan mo? Bakit?
Answers & Comments
Answer:
1.iginastos nya iyon ng walang hubas sa rangyaat luho.
2.lubos ang kasiyahan ng kanilang ama dahil bumalik na ang kanyang bunsong anak.
3.ang naging reacshon ng panganay na anak ay galit.
4.dahil sa nagawa nyang pagkakamali.
6.wag pairalin ang kasakiman.
7.bunso kasi kahin yung na may nagawang pagkakamali ay humingi parin sya ng tawad sa kanilang ama
Explanation:
sana makatulong po
pa brainliest po pls :)
Answer:
1. Binili lahat ng kanyang luho
2. Dahil nagbalik ang bunsong anak
3. Maaaring nalungkot dahil umalis ang kanyang kapatid
4. Dahil naubos na ang pamana nya at mukha na syang pulubi walang maayos na tirahan at pagkain
6. Wag suwayin ang utos ng magulang
7. Panganay, dahil naging mabuti syang anak