May ilang materyales na matatagpuan sa pamayanan na maaaring magamit sa pagbuo ng kapaki-pakinabang na proyekto tulad ng kawayan, kahoy o iba't-ibang metal. Ang mga patapong bagay na tulad ng empty bottle ng soft drinks ay maaari pang pakinabangan at pagkakitaan ng buong mag- anak. Kailangan lang nating maging malikhain sa paggawa upang makabuo ng isang kapaki-pakinabang na bagay sa loob ng tahanan. Lagi ring isaisip na ang pagreresiklo ay mahalaga sa pangangalaga ng ating kalikasan. Nababawasan ang pagdami ng mga basurang itinatapon sa dump site kung ang bawat isa ay marunong magresiklo ng mga patapong bagay. Kinakailangan lamang bumuo ng plano ng proyekto upang mas maging maganda ang kalalabasan ng proyekto. Kung masusunod ang wasto at maka- agham na pagsasagawa ng mga gawaing pang-elektrisidad, magiging masaya maunlad ,at matagumpay ang inyong napiling mga proyekto.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.