May dalawang magkapatid na lalaki na nasangkot sa isang malaking gulo. Nagpasiya silang iwan ang
kanilang lugar at magtungo sa ibang lugar. Nangailangan din sila ng pera. Si Karl, ang mas nakatatanda, ay
pumasok sa isang tindahan upang magnakaw at nakakuha siya ng sampung libong piso. Si Bob naman, ang
mas nakababata, ay nagtungo sa isang retiradong lalaki na kilala sa pagiging matulungin sa mga taong
naninirahan sa kanilang lugar. Sinabi niya rito na siya ay may malubhang karamdaman at kailangan ng
sampung libong piso para sa kanyang operasyon. Nakiusap si Bob sa matanda na pahiramin siya ng pera at
nangakong ito ay babayaran kapag siya ay ganap nang gumaling. Kahit pa hindi ganap na kilala ng
matandang lalaki si Bob ay pinahiram niya ito ng pera. Si Karl at si Bod ay nakatakas na may hawak na tig-
sasampung libong piso.

Mga Tanong:
a. Ano ang mas masama, ang magnakaw, katulad ng ginawa ni Karl o ang manloko ng kapwa katulad ng
ginawa ni Bob? Pangatwiranan ang sagot.
b. Sa iyong palagay ano ang pinakamasama sa panloloko ng isang matanda? Bakit mo ito itinuturing na
pinakamasama?
c. Bakit masama ang pagnanakaw na tulad ng ginawa ni Karl sa isang tindahan?
d. Ano ang halaga ng paggalang sa pag-aari ng iba?
e. Kailangan bang gawin ng tao ang lahat upang sumunod sa batas? Bakit?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.