Questions


September 2022 1 0 Report
May Bagyo!

Quinta: narinig ko sa balita na talagang malakas ang paparating na bagyo sa atin ngayong gabi. Sadyang maigting na paghahanda ang ginawa ng karamihan sa aming lugar.

Rolly: Oo nga! Sobrang nakakatakot pa naman kapag May bagyo. Narinig mo ba ang malalakas na pagpukpok ng martilyo kanina? Sa bahay namin iyon. Talagang mabilis kumilos si tatay. Sinigurado kasi ni tatay na hindi kami matatanggalan ng bubong.


Siony: Kami rin ay naging abala. Maingat na aming isinilid ang aming gamit sa plastic at sa mga malalaking megabox upang kahit na pasok kami ng ulan o bahay walang mababasa.

Ulysses: Tama! Iyan rin ang aming ginawa sa bahay at bukod pa riyan ay nag-imbak kami ng maraming pagkain tulad ng de-lata, bigas at noodles. Nagcharge na rin kami ng aming mga cellphone at flashlight upang may magamit kaming pailaw kapag madilim, tiyak na mawawalan ng kuryente

Quinta: Mabuti naman! O, Ulysses tinatawag ka na ng nanay mo.

Ulysses: Ah Opo, paalam na muna. Kailangan namin mag madali para may ma-evacuate,Hindi gaano matibay ang bahay namin gaya ng mga bahay ninyo. Mas mainam na lumapat kami bago dumating ang bagyo kasi mahirap kapag malakas na ang ulan at hangin.

Rolly: Oh, siya sige. Babalik na rin kami sa aming mga bahay, tiyak na hinahanap na kami ng aming mga magulang. Makulimlim na ang kalangitan at medyo malakas na rin ang hangin.

Siony: Sige, paalam! Mag-ingat tayong lahat. Taimtim tayong manalangin upang humina na ang bagyo.

Mga Tanong:
1.Sino-sino ang mga tauhan na nag-uusap sa diyalogo?
2. ano-ano ang paghahanda ang dapat gawin tuwing may paparating na bagyo?
3. bakit kailangang mag handa kapag may paparating na bagyo?
4. Ilarawan ang mga tauhan batay sa kanilang ikinilos, ginawi sinabi at nagging damdamin.

help po plzz
pag nonsense po ang sagot nyo at gusto lang ng points report po
pero po pag ayus ang sagot brainlyest ko po ty bye <3​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.