Questions


September 2022 1 2 Report
MATUTO SA IBA
Ni: Zenaida R. Ylarde at Gloria A. Peralta, EdD
ALAMY- Cartoon Boy Recycling High Resolution Stock Photography and Images
Nagkakaisang mga Batang Bayani
May ilang batang lalaki na naglalaro ng chess sa garahe ng bahay ni Mang Robert. Tumayo at nagsalita si Marlo, lider ng mga batang lalaki at anak ni Mang Robert, "Halina! Ituloy natin ang trabahong nasimulan natin."
Dahil mababait at masunurin naman ang mga batang lalaki, hindi na nagtanong si Mang Robert kung ano ang gagawin nila.
“Mauuna na po kami, Tito Robert," sabi ni Wally, isa sa mga batang lalaki. "Mayroon lang po kaming kukunin sa kabilang kalye."
"Sasama ka rin ba sa kanila Nori?" tanong ni Mang Robert sa isa pang batang lalaki. "Hindi po, Tito Robert. Sasama po ako sa pangkat ni Ate Mylene. Magtuturo po kami sa ilang bata ng pagbasa at pagbilang," sagot ni Nori.
"Mga batang guro sila," sabi ni Aling Luming, nanay ni Marlo. "Nagtuturo sila sa mga bata tuwing Sabado at Linggo sa Barangay Hall."
"Itay, ipagpapatuloy po ng Youth Club namin sa paaralan ang gawain namin 5

sa barangay," sabi ni Marlo. Umalis na ang mga bata. Pagkalipas ng ilang oras, bumalik sila sakay ng isang dyip. Puno ang dyip ng mga diyaryo, basyo ng bote, at pira-pirasong bakal.
"Itay, humingi po kami ng tulong kay Mang David at ibinigay niya po ang hiningi namin! Narito ang nahingi namin: mga diyaryo, basyo ng bote, at pira-pirasong bakal," masayang ibinalita ni Marlo.
"Paano nagkaroon si Mang David ng napakaraming diyaryo, bote, at pira- pirasong bakal?" tanong ni Mang Robert.
"Inutusan po niya ang kaniyang mga kasambahay na kunin ang mga iyon sa kanilang bodega. Sinabihan din niya ang kaniyang mga kaibigan na magbigay," sagot ni Miguel, isa sa mga batang lalaki.
"At ano naman ang gagawin ninyo sa mga bagay na iyan?”tanong uli ni Mang Robert.
"Ipagbibili po namin ang mga iyan. Pagkatapos, gagamitin po namin ang pera upang bumili ng mga kailangang bagay para sa basketball at volleyball at makapagbigay ng uniporme para sa liga. Kapag hindi pa ito sapat, binabalak namin na manghingi sa iba na maaaring magbigay. Isa roon si Mang David. Sabi niya, nais niyang sumuporta sa aming layunin," paliwanag ni Marlo.
"Sinong gumawa ng mga tuntunin ninyo sa inyong samahan? Lahat ba iyon ideya ni Marlo?" tanong ni Mang Robert.
"Pasiya po ng lahat ng miyembro. Tinitiyak po namin na bilang mga miyembro, ginagampanan namin ang aming mga pananagutan sa samahan. Lahat kami ay nag- iisip ng mga proyekto at kung paano ipatutupad ang mga ito," paliwanag ni Miguel.
"Ipinagmamalaki ko kayo! Napakagaling ng mga ginagawa ninyo para sa pamayanan. Mga batang bayani kayo. Sa ganiyan, inilalayo ninyo ang mga bata sa paggawa ng masama. Natitiyak kong lahat kayo ay magiging mabubuting lider hinaharap.


1. Ano ang gagawin ni Marlo at ng kaniyang mga kaibigan sa mga diyaryo, basyo ng bote, at pira-pirasong bakal? (2 puntos)
Sagot: ________________________________________________________
2. Ano ang magandang katangian ng mga bata? (2 puntos)
Sagot: ________________________________________________________
3. Bakit mahalaga na nagkakaisa ang mga miyembro ng isang samahan? (2 puntos) Sagot: ________________________________________________________
4. Ano-ano ang iyong maimumungkahi upang maipakita ng mga kabataan ang pagkakaisa sa paggawa? (2 puntos)
Sagot: ________________________________________________________


Correct answer = 7 points
Wrong answer = 0 points

Pls answer I need it today …

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.