Mateo 7:21-23 RTPV05 “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga tao lamang na sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit. Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, hindi po ba kami ay nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala sa iyong pangalan?’ Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo nakikilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan
Ang katanungan
1 Paano nating masasabing napakilala si Jesus Christ sa verse na iyan?
2 Magbigay ng isa na ihahantulad natin sa buhay ang verse na iyan
3 Magbigay ng halimbawa sa spiritual life tungkol sa verse na yan
Complete po pls
Tungkol po yan sa Dyos kaya wag nyo salawin ang answer.
Nonsense repor
Answers & Comments
Answer:
1. Makikita natin sa pahayag ang pagiging Diyos ni Hesu Kristo. Hindi natin sya malilinlang sa kahit anumang paraan. Sinasabi dito na ang pagiging tupa sa labas ay hindi sapat upang tayo ay makapasok sa sagradong kaharian ng kanyang Ama. Kailangan ang bukal at malinis na kalooban. Mahusay na naiparating sa bersong ito na makapangyarihan, matuwid, mabuti at dakila ang Panginoon.
2. Maihahalintulad ko ang bersong ito sa mga taong hindi tapat sa kanilang magulang at boss sa trabaho. Mga taong nag aanyong mabuti sa mata ng karamihan upang mabigyang pugay at masabihan ng papuri. Sa kabilang banday palihim na nag uumapaw sa kasinungalingan at kalokohan.
3. Literal na sinasabi ng berso na kailangang maging tapat sa gawa at puro sa puso upang makapasok sa dakilang kaharian. Sa panahon ngayon, marami sa mga church leaders at spiritual workers ang nagkakaroon ng problema pagdating sa ganitong bagay. Magaling silang magturo ng kabutihan ngunit mismong sarili nila ay hindi nila maituwid ng husto. Yung iba naman ay nasisilaw na sa pera at pansariling interes na ang inuna. Mulat sila sa katotohan ngunit nag bubulag bulagan pa din sa mga sariling kasalanan.
Explanation:
I tried my best po.
ps. PAKI PALLOW PO NG ACCOUNT KOW. TNX