Questions


August 2022 1 1 Report
Matapos mong matunghayan at mapag-alaman ang pagtukoy sa pangunahin at

pantulong na kaisipan na katatapos mo lamang pag-aralan, maaari mo nang

sagutin ang sumusunod.

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na talata at tukuyin ang

pangunahin at pantulong na kaisipan. Bilugan lamang ang pangunahing kaisipan

at guhitan naman ang mga pantulong na kaisipan.

1. Iminungkahi ni Gregorio del Pilar kay Emilio Aguinaldo na siya at ang

animnapung tauhan niya’y magbantay sa Pasong Tirad upang sila ang humarap sa

mga tumutugis na sundalong Amerikano. Layunin nitong mapabagal ang mga

Amerikano at makalayo ang pangkat nina Aguinaldo mula sa mga kaaway. Labag

man sa kalooban dahil sa panghihinayang sa batang heneral na naging matapat sa

kanya ay pumayag si Aguinaldo.

2. Kadalasan, ang mga pinakamahalagang bagay na dapat nating malaman ay

ang mga bagay na hindi nakikita ng ating mga mata. Ilang taon na ang nakararaan

nang maipasa ang Republic Act 9003 o ang Solid Waste Management Act. Ang

batas na itoay naglalayong tugunin ang isa sa mga mabahong suliranin ng ating

bansa – ang tamang pamamahala ng ating basura. Marami ang ipinagbabawal ng

batas na ito. Ilan dito ay mga Gawain na kinagisnan o kaya ay kinasanayan ng

maraming Pilipino, tulad halimbawa ng pagsusunog ng babsura sa kalsada, bukas

na lugar at harapan o likuran ng bahay.

3. Hindi maikakaila na marami pa irn sa mga Pilipino ang nagnanais pumuti

ang balat at tumangos ang ilong. Nagsisikap na mapabuti ang pagsasalita sa

wikang Ingles dahil gustong matawag na sosyal. Ipinagpaparangalan sa mga

kaibigan ang damit at sapatos na imported. Tunbay na suliraning panlipunan pa

rin ang pagkakaroon ng diwang-alipin ng mga Pilipino. Nagpapatuloy pa rin ang

pag-idolo sa mga kanluraning kultura tulad ng awitin, sayaw, pagkain at pananaw.

Maging ang iba pang sistemang umiiral sa bansa ay mula sa mga dayuhan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.