MATALINONG PAGPAPASYA
likas sa isang tao Ang pagiging magaling,Kung sa pagpapasya,mapanuring pagiisip Ang gamitin, iwasan Ang pagbigla biglang bugso Ng damdamin.
Maraming Pagkakataon na tayo'y nalugmok sa di-inaasahang problema't pagsubok,nagkagayunman pilit pa ring bumabangon,wastong pagpapasya ay handang isulong.
Bawat desisyon ay sadyang pakaingatan nang sa ganoon,walang masaktan, maingat na pagiisip ating pahalagahan kabutihan Ng lahat,dapat isa-alang-alang.
Mga bagay na may kinalaman sa ating sarili, mapanuring pagiisip,tatag Ng loob at pag uugali,nagsisilbing daan sa matalinong pagapasiya,para sa kapakanan Ng bawat isa!
Question:
1Ano ang ipinahihiwatig na kaisipan sa tulang iyong binasa
2Bakit kailangan maging responsable sa mga bagay na iyong gagawin
3Paano nakakatulong ang mga katangian nabanggit sa paggawa Ng isang desisyon
4magbahagi Ng isang suliranin na iyong naranasan o maaring kasalukuyan Kong naranasan ikuwento mo Ito
Answers & Comments
2.) Kailangang maging responsable sa ating mga ginagawa sapagkat hindi natin alam kung ano ang magiging resulta ng bawat gawain natin. Dapat iniisip muna natin kung makakasama o makakabuti ba ito sa’yo at sa kapwa mo.
3.) Nakakatulong ang; (1) paggamit ng mapanuring isip upang mapagdesisyunan natin ito ng may buong pagiimbestiga at pagtingin sa bawat sulok ng problema. (2.) maingat na pagiisip para sa kabutihan ng lahat para ng sa gayon ay hindi lamang ang sarili mo ang iniisip mo, sabi nga ng ating Panginoon na dapat nating mahalin ang ating kapwa katulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. (3) tatag ng loob at paguugali upang magkaroon tayo ng lakas na gawin ang ating napagdesisyunan sa tamang paraan kahit alam nating mahirap gawin ito.
4.) (Depende ito sa iyo pero magbibigay ako ng isang pangyayaring nararanasan ng lahat) Ang isang suliraning aking nararanasan na nararanasan din ng buong mundo ay ang pandemyang COVID-19. Ito ay nakakitil ng maraming buhay at nakapagpahirap sa madaming biktima nito. Nang dahil dito, marami din ang naging pagbabago sa ating mundo (new normal) na higit na nagpahirap sa ating lahat. Marami din ang nawalan ng trabaho. Isa ako sa mga biktima ng COVID-19 hindi sa sakit kundi sa pamumuhay. Ngunit, nagtiwala lang ako sa Diyos at napagpasyahang sundin lahat ng polisya na ipinapatupad ng pamahalaan para sa ikabubuti ko at ng mundo.
#HopeThisHelps
#BekeNemenBrainliest
-ellenaj