Masayang binuksan ni Ferdie ang kanyang punong alkansya. Gagamitin niya ang
naipong pera upang ipambili ng handa sa nalalapit niyang kaarawan, inimbitahan niya
ang kanyang mga kaibigan at kamag-aral na dumalo sa kanyang kaarawan. Ilang araw
bago dumating ang kanyang kaarawan ay napansin niyang tumutulo ang bubong sa
kanilang kusina. Narinig din niya ang pag-uusap ng kanyang mga magulang tungkol sa
kakapusan ng perang pambayad sa pagpapagawa ng kanilang bubong. Naisip ni Ferdie
na ibigay na lamang ang perang naipon sa kanyang mga magulang. Ngunit ayaw naman
niyang mapahiya sa mga naimbitahan niyang umaasa sa pagtitipon na magaganap sa
kanyang kaarawan. Paano makagagawa ng tamang desisyon si Ferdie?
1. Ano ang problema ni Ferdie?
2. Aling impormasyon ang kailangan malaman ni Ferdie?
3. Ano ang opsiyon o posibleng solusyon ang maaaring malaman ni Ferdie?
4. Ano kaya ang maaring maging bunga ng mga opsiyon?
5. Bakit ito ang pinakamabuting desisyon upang malutas ang problema ni Ferdie?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.