Questions


September 2022 0 2 Report
Marso 25,2019 Ang Talaarawan ni Maria Labis ang aking kasiyahan dahil dumalaw sa bahay ang dati kong mga kamag-aaral. Maghapon kaming nagkasayahan at nagkantahan. Labis kaming nasabik sa isa't isa kaya gabi na nang kami ay natapos sa aming kuwentuhan. Bago ako natulog ay nagdasal muna ako para magpasalamat sa panginoon sa masayang araw na ito, Marso 26, 2019 Araw ng Linggo, sama-sama kami ng buong pamilya para magimba at magpapasalamat sa lahat ng biyayang tinatanggap naming sa araw- araw Pagsapit ng hapon ay pumunta kami sa Rizal Park para doon mamasyal at magsaya. Gabi na nang kami ay makauwi. Bago ako natulog ay nagdasal muna ako. Marso 27.2019 Maaga akong nagising para magsimba, ngayon kasi ang aking kaarawan. Nagpasalamat ako sa panibagong taon sa aking buhay. Nagkaroon ng kauntingn salusalo sa aming tahanan Bagamat pagod ay naging masaya naman ang araw na ito sapagkat pinupuspos kami ng biyaya Muli akong nagdasal at nagpapasalamat sa Panginoon bago ako matulog. Mga Tanong 1. Sino ang nagsulat ng talaarawan? 2. Sino ang dumalaw kay Maria na labis niyang ikinasaya? 3. Ano ang ginawa ng pamilya ni Maria noong araw ng Linggo? 4. Anong mahalagang araw ang ipinagdiwang ni Mana? 5. Bakit hindi nakalimutan ni Maria na magdasal bago magtulog?​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.