Maraming Pagpipilian Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.

1. Laganap ang pagtotroso sa inyong pook. Bilang tagapagtaguyod, ano ang nararapat gawin?
A. magtanim ng panibagong mga puno
B. hulihin kung sino man ang nagkasala
c. gumawa ng programang pangkalikasan
D. kausapin ang mga nagtotroso hinggil sa kanilang ginawa

2. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging bukas-palad?
A. pagpahayag si Irman ng kanyang sariling saloobin
B. pamilyang namimigay ng pera sa panahon ng eleksiyon
C. batang nagtitinda ng mga bulaklak sa gilid ng simbahan
D. ginang na nagpapakain ng mga batang hindi niya kaano-ano

3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng gawaing pampolitikal?
A. paglilinis sa sariling tahanan
B. pag-akay sa matandang tumatawid
C. pagsumbong sa krimeng nasaksihan
D. tulung-tulong na paghahanda ng pagkain para sa kaarawan ni Aiza

4. Bakit kailangang maranasan ng tao ang magmahal at mahalin?
A. upang maging ganap ang pagkatao
B. upang maging ganap ang pagkalalaki
C. upang maging ganap ang pagkababae
D. upang ganap na maranasan ang pag-ibig

5. Ibinilin ng ina na bantayan ang bunsong kapatid, ngunit nalibang ka sa panonood ng telebisyon kaya hindi mo napansin na nalaglag ito sa hagdan. Ano ang nararapat gawin?
A. magtampo sa kapatid dahil napagalitan ka
B. ilihim sa ina ang nangyari upang hindi ka mapagalitan
c. ipagbigay-alam sa ina ang nangyari at humingi ng tawad
D. ipaghehele ang iyong kapatid upang tumigil na sa kaiiyak​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.