MARAMING NAGBAGO
Ethel A. Tamayo


Araw ng Sabado, masayang nagkukuwentuhan ang mag-inang Anna at Gng. Elle sa kanilang sala.


Anna: Nanay, bakit hindi na po tayo nakakadalaw kina Lola? Bakit po hindi na kami nakakapaglaro sa labas kasama ng aking mga nzu kaibigan? Bakit po ditto ako sa bahay nag-aaral at hindi sa paaralan? Bakit hindi narin tayo nakakapunta sa simbahan sa blo araw ng Linggo?


Gng. Elle:

(natawa habang sinasagot ang anak) Anak, andami mo naman tanong. Pero alam mo ba ang lahat ng naobserbahan mo ay tama. Ngayong panahong ito, marami ang nagbago. Hindi na tayo makadalaw sa bahay nina Lolo at lola. Hindi na kayo makapag-aral sa loob ng paaralan. Hindi ka na makapaglaro kasama ng iyong mga kaibigan sa labas. Hindi narin tayo makapunta sa mall o sa simbahan tuwing Linggo sa pagkat ngayong panahong ito ay nakakaranas tayo ng pandemya, hindi lamang tayo kundi buong mundo. Marami ang bagay na dating ginagawa ngunit hindi na muna ngayon pansamantala habang wala pang lunas na nadidiskubre. Pero anak, sa awa ng Diyos panigurado lahat babalik sa dati. Basta maniwala lang tayo at lagging magdasal. Dahil ang Diyos ay walang sawang magpoprotekta sa atin anumang oras.1. Laging nahuhuli sa pagpasok sa klase si jason.Sinabihan na siya ng kanyang guro na bawal na siyang mahuli sa klase sa susunod na araw.



Anna:

Oo nga po, nanay hindi na natin nagagawa ang mga dating ginagawa natin. Pero napansin ko rin po kahit hindi na tayo nakakadalaw kina Lolo at lola mas madalas naman po nating silang nakakausap'sa telepono, mas maraming panahon na nagkukumustahan tayo. Hindi man po kami nakakapaglaro ng aking mga kaibigan madalas naglalaro naman po tayo kasama ng aking mga kapatid at si tatay sa loob bahay. Marami rin po akong natutuhan kapag pinapanood ko kayong naglilinis at nagluluto. Hindi man po ako nakakapunta sa paaralan pero mas marami akong guro sa loob ng bahay, may gurong nanay, gurong tatay, gurong ate at gurong kuya naman ako. Masayarin po iyon nanay. At hindi man tayo nakakapunta sa simbahan tuwing Linggo mas madalas naman po ang pagsisimba natin gamit ang iba't ibang teknolohiya at ang pagdadasal natin ng sama-sama. Maraming nagbago pero mas maraming panahon na nakakasama ko po kayo at iyon po ay sapat na nanay.


Gng. Elle:

Tama anak, marami man ang nagbago panigurado heto ang hinding-hindi magbabago: Ang pagmamahal ng Diyos sa atin at ang pagmamahal naming sa inyo ng iyong tatay. (Sabay halik at yakap kay Anna at siya naming pagpasok ni G. Paul, ang tatay ni Anna sa sala na may bibit na bagong pitas na kamatis at okra galing sa kanilang bakuran.)


1.Sino sino ang tauhan ng kuwento?
________________________________

2.Ano ano ang mga naobserbahan ni Anna sa kasalukuyang panahon?
________________________________

3.Bakit maraming pagbabago sa kasakukuyan?
________________________________

4.Paano ipinaliwanag ni Gng. Elle kay Anna ang maraming Pagbabago?
________________________________

5.Ano ano ang mga bagay na sinabi ng Gng.Elle kay Anna Na kailangan ay hindi nagbabago?
________________________________

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.