Questions


October 2022 1 12 Report
Maraming mga halimbawa o sitwasyon ng pagpapakita ng pasasalamat ang
ating narinig o nabasa. Ngunit mayroon din namang hindi marunong magpakita ng
pasasalamat. Suriin ang sumusunod na sitwasyon.
1. Isang traysikel drayber na si Jayson ang nakapulot ng mahigit na P50,000 na
cash at P340,000 na halaga ng tseke mula sa upuan ng kaniyang traysikel. Sa
panahon na iyon, mahigpit ang kaniyang pangangailangan sa pera dahil ang
kaniyang bunsong anak ay nangangailangan ng dagliang operasyon. Pinag-isipan
niyang mabuti ang kaniyang gagawin. Marami sa mga kasamahan niyang
nagtatraysikel ang nagsabi sa kaniya na huwag ng ibalik at gamitin na lamang sa
operasyon ng kaniyang anak. Dahil nanaig pa rin ang turo ng kaniyang magulang
at dikta ng konsensya, pinagpasiyahan niyang ibalik ang pera at tseke sa may-ari
sa tulong ng isang istasyon ng radyo. Lubos ang kagalakan ng may-ari at
pinasalamatan niya si Jayson. Pinangakuan si Jayson na tutulungan siya sa
pagpapaopera sa kaniyang anak.
2. Mahirap ang pamilya ni Jane. Hirap sila maging sa kanilang mga pangunahing
pangangailangan sa buhay. Napilitan ang mga magulang ni Jane na pumunta sa
ibang bansa upang mabigyan siya ng magandang kinabukasan. Naging masuwerte
naman ang kaniyang mga magulang sa kanilang trabaho. Naibigay nila kay Jane
ang lahat ng kaniyang kailangan. Maging mga mamahaling gamit ay kaya na
nilang ibigay sa kaniya. Inaasahan ng kaniyang magulang na lalaking maayos si
Jane at mag-aaral ng mabuti. Ngunit taliwas sa kanilang inaasahan, natuto si
Jane na sumama sa masamang barkada na naging dahilan ng maagang
pagbubuntis. Iniwan pa siya ng kaniyang kasintahan. Nabigo niya ang kaniyang
mga magulang na makapagtapos sa kaniyang pag-aaral.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.