Marami tayong kasapi sa pamayanan na nagsisilbi nating “Frontliners” upang pangalagaan ang ating kalusugan at siguraduhing tayo ay ligtas sa banta ng COVID19. Kabilang din dito ang mga taong tumutulong sa mga mamamayang apektado ng pandemya para matugunan ang pangangailangan ng bawat isa. Bilang pagpapahalaga at pagbibigay-pugay sa kanilang kabayanihan ay susulat ka ng isang maikling tula na may malayang taludturan na binubuo ng dalawa o tatlong saknong. Isaalang-alang mo ang mga pamantayan sa ibaba. Isulat mo ang nalikhang tula sa isang malinis na papel.
Answers & Comments
Answer:
PARA SA MGA FRONTLINER
Tulang Papugay
Kulang ang salitang "salamat"
bilang papugay sa lahat ng inyong hirap.
Itong sakunang nangyari'y di inaasahan
ngunit sa inyo kami ngayon ay nakapasan.
Ilang buhay man ang nanganib,
ilang buhay din ang inyong nasagip,
Ilang buhay man ang sa inyo'y nasawi,
Sa amin kayo'y mananatiting bayani!