Mapalad ang pamilya ko

Sinundo ni Aling Titay sa paaralan ang kaniyang anak na si Noel. Nang makapagpaalam
na sila sa guro, lumabas na sila patungo sa kanilang tahanan.
Habang sila ay naglalakad, napansin ni Noel ang isang
matandang babae na namamalimos sa tabi ng daan malapit sa simbahan.

"Mama, kilala mo po ba iyong matandang namamalimos ?"
ang tanong ng bata.

"Hindi, anak! Matagal ko na siyang nakikitang namamalimos diyan," ang sagot ng ina.

"Wala po ba siyang pamilya?" ang muling tanong ni Noel.

"Wala siguro, kaya mag-isa na lamang siyang namumuhay.
Hindi ko rin alam kung saan siya nakatira. Baka nga diyan na rin siya natutulog sa tabi ng daan," tugon ng ina.

"Kawawa naman siya, Mamal" ani Noel.

"Tama ka, anak. Kaya lagi mo siyang lilimusan, ha? Para naman makatulong tayo sa kaniyang pangangailangan kahit sa munting paraan natin," muling sambit ng ina,

"Opo, Mama Masuwerte pala tayo, ano po?" ang sagot ni Noel.

"Oo, anak, at hindi tayo magiging katulad ng matandang babae
dahil buo ang ating pamilya!" ang sagot ng ina.

Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
Paano inilarawan ang tauhan sa kwento?
Ano ang naging damdamin ng tauhan sa kwento?
Ano ang natutunan mo mula sa kwento?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.