Manuel L. Quezon: Amang Mapagmahal Pangulo na noon ng bansa si Manuel L. Quezon. Sa kabila ng kanyang salansan ng gawain sa Malacañang, hindi niya isinasantabi ang kanyang pamilya. Amang nakikinig... Sa tuwing may suliranin ang sinuman sa kanyang tatlong anak na sina Zenaida, Maria Aurora at Manuel Jr., lagi siyang handang makinig. Malayang nakapagsasabi ang mga ito ng kanilang problema sa kanilang ama. Bakit naman hindi? Malapit na kaibigan kasi ang turing nila sa kanya. Sigurado ang magkakapatid na mauunawaan sila ng kanilang tatay anuman ang kanilang sasabihin. Amang nakakaalala... Madalas din noon na mangibang bansa si Pangulong Quezon sa Estados Unidos o sa Europa. Habang siya ay naroroon, lagi siyang tumatawag ng overseas o nagpapadala ng sulat upang kumustahin ang kanyang pamilya. Sa kanyang pag-uwi, may espesyal na pasalubong ang bawat isa mula sa kanya. Amang nakauunawa... Kahit minsan ay hindi namalo o nanakit si Pangulong Quezon. "Masasabi kong kahit kailan ay di pa dumampi ang aking mga palad sa sinumang anak ko. Hindi ko pa sila nasasaktan ngunit nadisiplina ko sila mula pagkabata," sabi niya. May kakaibang dating kasi ang personalidad ni Pangulong Quezon. Hindi man siya magsalita, alam ng kanyang mga anak kung siya ay galit, na nakatulong naman upang mahubog ang disiplina sa kanilang mga sarili. At sa pagiging mapagmahal na ama ni Pangulong Quezon, kaagapay niya s napakahalagang gawaing ito ang asawang si Aurora Aragon. 8. Ano-ano ang magandang katangiang tinataglay ni Pangulong Quezon bilang ama? A. Mabait C. Nakikinig at nakakaalala B. Nakauunawa D. Nakikinig, nakakaalala at nakakaunawa​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.